Tempo

Bakit makikipags­abayan?

- By delia Cuaresma

Maraming mga kilay ang nagsitaasa­n ng malaman na ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang “Katips” sa mismong petsa ng inaabangan­g “Maid in Malacanang” ng Viva Films.

Ang “Katips” ay isang musical movie na anti-martial Law ang tema na hindi napili nung isinumite ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2021.

Maraming katanungan ang nagsulputa­n habang sinusulat natin ito.

Bakit biglang makikipags­abayan ang “Katips” sa “Maid in Malacanang?” Hindi ba naisip ng “Katips” na para silang kumuha ng bato na ipupukol sa mga sarili nila?

May nagsabi sa amin na hindi naman profit ang rason. Gusto lang diumano ng mga tao sa likod ng “Katips” na sumakay sa ingay ng “Maid in Malacanang.”

Madala man sa so-called ingay, may manood naman kaya ng “Katips?”

Noong isang linggo, nagulantan­g ang mga taga showbiz nung inilabas ng FAMAS ang kanilang mga nominees sa taong ito.

Nakapagtal­a ang “Katips” ng 17 nominasyon sa iba’t ibang kategorya!

Ang bulung-bulungan: Hindi kaya malapit lamang ang mga tao na nasa likod ng pelikulang ito sa mga pamunuan ng FAMAS?

Take note, nu’ng isang taon director ng virtual awards ceremonies ng FAMAS si Vince Tañada, na siya ding director, writer, lead actor and producer ng “Katips.” May konek kaya?

Sa aming pagsaliksi­k, nalaman din namin na nominado nung isang taon ang signature actor na kasali sa halos lahat ng projects ni Vince na si Johnrey Rivas pero bigo itong makauwi ng tropeo.

Dinig nami’y ibabawi daw ngayong taon ng mga taga “Katips” itong si Johnrey at malakas ang ugong na diumano’y “in-thebag” na daw ang best supporting actor award this year para sa kanya.

Ang mga kalaban ni Johnrey ay ang mga beterano at tinitingal­ang luminaryo sa showbiz kabilang na sina John Arcilla, Mon Confiado, at Nico Antonio.

Kalaban naman ni Vince sa Best Actor ang mga bigating sila Dingdong Dantes, Christian Bables, Mon Confiado, at Daniel Padilla.

Samantala, sa Best Director ay kalaban niya ang mga respetado at award-winning directors na sina Jun Lana, Carlo Manatad, Lawrence Fajardo, at Mikhail Red.

Abangan na lang natin kung totoo ba ang tip sa atin na siguradong hindi uuwing luhaan ang mga taga “Katips,” sa awards night lalong lalo na sila Vince at Johnrey.

Abangan na din natin kung ilang araw mananatili ang “Katips” sa mga sinehan after Aug. 3.

‘Yun na!

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines