Tempo

LUMUTANG BIGLA!

FIRST TIMER

- JUN NARDO

Biglang lumitaw muli si Angel Locsin sa social media matapos mapabalita ang diumano’y hiwalayan nila ng mister na si Neil Arce.

Sa pamamagita­n ng Team Angel PH, ang tagapamaha­la ng kanyang Facebook site, binasag ni Angel ang pananahimi­k sa pag-post niya ng larawa nilang mag-asawa.

Aniya sa caption, “Together forever.”

Ang bilis umakyat ng bilang ng engagement ng post, huh!

Obvious, ma maraming marites ang gustong updated!

Take note, naka-private pa rin ang Instagram ng aktres.

Any way, bago ito, sinupalpal na ni Neil ang mga marites na nagpapakal­at na may problema sa married life nila ni Angel, huh!

Aniya, balato na lang daw sa kanila ito dahil “charitable” naman daw sila ni Angel.

Pero diin niya, “fake news” ang lahat.

‘Yun na!

Kabado!

May bago ang poging si Kelvin Miranda.

Ito ay ang kanyang single na “Sumayaw.”

Aminado siya na medyo kabado siya sa reaksyon ng mga tao.

Sey niya, “First time po kasi naming magabas ng upbeat na kanta.”

Ganunpaman, excited rin siya maparinig ito sa mga fans.

“Dahil pinaghanda­an talaga namin ito ng kaibigan kong Nhiko Sabiniano at Sir Paulo Agudelo. Talagang pinag-usapan at pinaganda nila ang arrangemen­t ng kanta.”

Dagdag pa ng aktor, “Siguro kaya ito ang napili nilang genre for me is part siya ng exploratio­n. Kumbaga pagdating kasi sa music limitless talaga. Kailangan gawa ka lang nang gawaand kailangan i-explore lahat

ng bagay para makabuto ng mas magandang piyesa. Parang artwork siya na kailangan mong lumikom ng iba’t ibang ideas at tunog.”

Kung upbeat ang “Sumayaw” na single ngayon ni Kelvin, pagdating naman sa telebisyon, leading man na mahusay umarte ang peg niya sa last Kapuso afternoon drama niyang “Unica Hija” with Kate Valdez.

Available na sa lahat ng digital streaming platforms ang kantang “Sumayaw” ni Kelvin.

 ?? ?? Angel locsin
Angel locsin
 ?? ?? Kelvin Miranda
Kelvin Miranda

Newspapers in English

Newspapers from Philippines