Tempo

STAR-STUDDED!

- JUN NARDO

Hitik sa bituin ang 20th anniversar­y ng “Magpakaila­nman” ni Mel Tiangco ngayong buwan, huh!

Matapos kasi si Gina Alajar, ay tampok naman ang seksing-seksi na si Sanya Lopez sa pagsasadul­a nila ng buhay ni Maegan Aguilar, anak ni Ka Freddie.

Aminado ang production na medyo nahirapan sila makipag-coordinate kay Meagan pero ang ganda daw talaga ng kwento nito at tunay na nakakaanti­g damdamin! Hindi lang ‘yun, no! Nariyan pa ang gagawing episode ni Bea Alonzo na horror naman ang tema na first time gagawin sa TV ng aktres.

Nakakuha rin sila ng schedule kay Eula Valdez kaya mapapanood din siya sa isa sa anniversar­y episodes ng MPK!

Tuwang-tuwa!

Speaking of Mel, masaya ito dahil tuloy-tuloy ang pagtangkil­ik ng mga tao sa “Magpakaila­nman.”

“Kasi kapag ginagawa naming ito, ang nasa isip naming magbigay inspirasyo­n sa tao so, kung pinapanood nila at tinatangki­lik ibig sabihin, it is serving it’s purpose. Gusto nila panoorin, ibig sabihin may napupulot sila sa show namin.”

Payanig!

Magpa-pasko na at tila nga may payanig muli si Gretchen Barretto!

Ayon sa isang source, kinakalap na nito ang names ng mga taong dapat bigyan ng Paskong biyaya. Of course, si Gretchen pa ba!

Memorable ang gesture niya nu’ng kasagsagan ng pandemic sa ipinamigay niyang Love Box sa mga workers sa movie and TV industry.

Natigil man ito, pero ngayong Christmas, eh, balik biyaya daw ang misyon ni La Greta!

Walang pili-pili ito, ha! Kahit ano ang estado sa buhay, may regalo, lalo na ‘yung less fortunate at hirap pa rin sa buhay dahil sa pandemic.

 ?? ?? Mel Tiangco
Mel Tiangco
 ?? ?? Gretchen Barretto
Gretchen Barretto

Newspapers in English

Newspapers from Philippines