Tempo

SINAMPOLAN!

- JUN NARDO

Hindi pinalagpas ni Ruru Madrid si Angeli Khang!

Agad niyang binigyan ng matinding halik ang Vivamax A-lister sa unang salang nito sa taping para sa action-serye niyang “Black Rider.”

Okay lang naman kay Angeli. Pagbibiro pa nga ni Angeli, "Ito na ang bonding natin, kiss na agad?’”

Pero nilinaw niya na hindi naman dapat kabahan o magalit ang jowa ni Ruru na si Bianca Umali ukol dito.

Diin ni Angeli, “Para sa mga viewers, trabaho lang po, profession­al.”

Ayon kay Ruru, hindi niya agad nasabi kay Bianca ang eksena.

Pero walang problema.

“Kami ang usapan namin, pagdating sa mga ganiyang bagay, wala naman kaming pigilan. Hindi naman namin pinapakial­aman ang trabaho ng isa’t isa. Kumbaga sa aming dalawa ni Bianca, dapat lang maging transparen­t kami kapag may mga ganiyang eksena,” paliwanag ni Ruru.

Naku, ngayong pasok na sa mainstream, malilimita­han na kaya ang appearance ni Angeli sa Vivamax movies?

May konsiyerto!

Ang magaling na singer-songwriter na si Cecille Azarcon ang magdaraos ng kanyang 45th anniversar­y sa music industry sa pamamagita ng concert sa The Theater, Solaire sa May 24 and 25.

Aba, marami ring ginawang kanta si Cecille para sa mga singer na super hit gaya ng “Reaching Out” ni Gary Valenciano, “So It’s You” ni Raymond Lauchengco, “One More Try” ni Kuh Ledesma, “Ikaw Ang Lahat Sa Akin” ni Martin Nievera, “Sana Ay Ikaw Na Nga” ni Basil Valdez at marami pang iba.

Makakasama ni Azarcon sa kanyang Cecille Azarcon: 45th anniversar­y concert sina Kuh, Janno Gibbs, Jam Morales, Fe de los Reyes at Nicole Asensio sa May 24 habang sa May 25 ay sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla at Katrina Velarde ang maghahando­g ng awitin.

Available sa Ticketworl­d ang tickets sa concert.

 ?? ?? ANGELI Khang
ANGELI Khang
 ?? ?? CECILLE Azarcon
CECILLE Azarcon

Newspapers in English

Newspapers from Philippines