FLATTERED!
Good luck kay Oliver Moeller sa pagpasok niya sa showbiz. Expect na niya ang mga intriga at isyung kakaharapin niya sa kanyang bagong mundo.
12 years ago pa pala unang inalok ang poging Cebuano lawyer na magshowbiz. At that time, 20 years old lamang siya.
Aniya sa isang interbyu, iba ang priorities niya noon at hindi pa siya confident para pasukin ang showbiz.
Pero now, feeling niya e, it is the right time dahil confident na siya.
Flattered si Atty. Oliver na sinasabing lookalike niya si Piolo Pascual. Siya nga raw ang Papa P ng Cebu.
Looking forward siya to meeting si Piolo in person at gusto niya rin itong makatrabaho.
Gusto niya ring maka-work si Kathryn Bernardo. What about Kim Chiu and Michelle Dee?
Ayon pa kay Atty. Oliver, willing siyang magpabalik-balik ng Cebu at Manila for work kung sakali.
For now, nagwo-work pa rin siya sa kanilang law firm at sa kanilang family business.
Sino kaya?
Today ang post-birthday celebration ni Kim Chiu sa “It’s Showtime.” Sino kaya kina Paulo Avelino at Oliver ang dadalaw para batiin si Chinita Princess?
Ano naman kaya ang pantapat ng “Eat Bulaga” sa birthday celebration ni Kim? Nag-advance birthday celebration si Vic Sotto ng kanyang 70th birthday last Saturday (April 20). This Sunday ang talagang birthday niya.
Fake news
Birthday naman kahapon ni Daniel Padilla. Nag-advance celebration siya ng kanyang 29th birthday sa Childhaus noong April 23.
Hindi naman nagparamdam si Angel Locsin who turned 39 last April 23. For over two years, MIA (Missing In Action) si Angel. Fake news na magbabalik-showbiz na siya at magbabalik-gma siya. Walang ganu’n!