Itinanggi!
Pinagdiinan ni Dingdong Dantes na walang katotohanan at pawing kathangisip lang ng ilang walang magawang indibidwal ang matagal nang tsismis na may anak siya sa aktres na si Lindsay De Vera.
Unang pumutok ang balita noong 2021 at magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang usap.
Finally, sa kauna-unahang pagkakataon ay diretsahang sinagot ng asawa ni Marian Rivera ang naturang isyu sa “Fast Talk With Boy Abunda.”
Diretsang tinanong siya ni Boy: “Lumabas na ang balitang ito, nasa social media, ikaw ay may anak kay Lindsay de Vera?”
“Wala po. Hindi po totoo,” mabilis na tugon ni Dong.
“Sa totoo lang, nagdadalawang-isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue...pero dahil may mga tumatawag na po sa akin na mga kaibigan, mga kamag-anak, yung mga nagmamalasakit po sa akin and because I have a responsibility sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagangmahalaga po ang aspetong ito para sa akin.”
Dagdag ng aktor, “I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying that it is not true.”
Nagkasama sina Dingdong at Lindsay sa mga GMA primetime series na “Pari Koy”
(2015) at sa dalawang season ng “Alyas Robin Hood” noong 2016 at 2017.
Nauna nang itinanggi ni Lindsay na may anak sila ni Dingdong sa isang panayam kasabay ng pagbabanta na kakasuhan niya ang mga taong nagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila ni Dingdong.