Tempo

Ex-drug user binaril sa ulo

- (Kate Louise B. Javier)

Patay ang isang dating drug user nang barilin sa ulo ng hindi kilalang lalaki sa Malabon City noong Sabado ng umaga.

Dead on the spot si Alvin Osman, 24, fish vendor, dahil sa isang tama ng bala sa ulo, ayon sa police.

Base sa ulat ng police, naghihinta­y ng masasakyan si Osman patungong Malabon fish port nang biglang lumitaw ang isang lalaki at binaril siya dakong 4 a.m.

Sinabi ng isang witness sa police na nakasuot ng puting t-shirt, pants at bull cap ang gunman.

Ayon sa mga kamag-anak ni Osman, dating drug user ang biktima na lumayas ng bahay dalawang taon na ang nakakaraaa­n.

Patuloy ang investigat­ion ng police para makilala ang salarin.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines