Miss Ja­pan, gown ng Pi­noy de­signer ang is­usuot sa Miss Uni­verse

Tempo - - Entertainment - By RUEL J. MEN­DOZA

NAKAKATUWA ang rep­re­sen­ta­tive ng Ja­pan sa Miss Uni­verse na si Yu­umi Kato dahil ang mga is­usuot niya sa pre-pageant competitions ay mga gawa ng lo­cal de­sign­ers ng Pilip­inas.

Ito raw ang nag­ing de­sisyon ng na­tional direc­tor for Miss Uni­verse Ja­pan na si Hiroko Mima na for­mer Miss Ja­pan at nag-compete sa Miss Uni­verse 2008 in Viet­nam.

Noong batch daw ni Mima, mga suot daw nila ay gawa ng mga Euro­pean de­sign­ers tu­lad ng Gucci, Ba­len­ci­aga, Miu Miu at Valentino. Ang na­tional direc­tor daw nila that time was Ines Li­gron na isang French na­tional.

Ngayon ay iba ang palakad ni Mima para sa Miss Uni­verse Ja­pan.

“A lux­ury gown won’t stand out on the Miss Uni­verse stage. I want to bring back the edgi­ness of Miss Ja­pan, but still look­ing el­e­gant,” sey pa ni Mima.

Na­gus­tuhan daw ni Mima ang gawa ng mga Pi­noy de­sign­ers dahil sa mix­ture nito ng west­ern at eastern sen­si­bil­i­ties. Pang-Miss Uni­verse daw ang gawa ng Pi­noy. “Filipino de­sign­ers have a way of mak­ing Asian women look sexy but el­e­gant,” diin pa ni Mima.

Ang natatang­ing “Made in Ja­pan” na is­usuot ni Yu­umi Kato sa Miss Uni­verse ay ang na­tional cos­tume nito. Ka­bi­lang sa group of Pi­noy de­sign­ers na ki­nomisyon ni Mima ay sina Rhett Eala, Jun Es­cario, Joel Es­cober, KC Pus­ing, Marv Daw­son and a few stu­dent de­sign­ers from Slim’s.

Si Joel Es­cober ang gagawa ng com­pe­ti­tion gowns ni Miss Ja­pan para sa pre­lim­i­nar­ies and fi­nals night.

YU­UMI Kato

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.