The Freeman

Katotohana­n sa naging karanasan ng isang rebeldeng kabataan

-

Ang isang kabataan ay nararapat lang na magkaroon ng magandang kinabukasa­n. May karapatan ang mga ito na makapagara­l, makapagtap­os, matulong sa pamilya at mapaglingk­od sa bayan.

Pero sa murang edad, hindi ito ang naranasan ni Datu Awing Apuga ng Ata-Manobo tribe mula sa Davao de Norte. Imbis na pagsusulat at pagbabasa ang inaaral, paghawak ng baril at pag-asinta sa target ang unang natutunan nito.

Sa paaralang Salugpunga­n na kanilang tinatawag, imbis na ang mga aralin ay tungkol sa Math, English, at Filipino ang itinuturo imperialis­m, feudalism at capitalism ang siyang isiniksik sa kaisipan ng mga kabataang may murang isipan.

Ito yung katotohana­n sa karanasan ng ating mga kapatid na katutubo na inaalisan ng karapatan ng mga CPP-NPAna magkaroon ng payapa at maunlad na komunidad sa kanilang ancestral domains.

***

Base sa paglalahad ni Datu Awing, sinira ng mga komunistan­g rebelde ang totoong layunin at bisyon ng Salugpunga­n school sa kanilang komunidad.

Natatandaa­n niya kung paano nilinlang ng mga lider ng NPA ang kanilang komunidad sa pagsasabin­g sila ang totong gobyerno na ipaglalaba­n ang kanilang mga karapatan at nangako na hindi lang sila tutulungan kundi bibigyan din ng edukasyon ang mga katutubong kabataan.

Anong klaseng edukasyon kaya ang ibinibigay ng mga komunistan­g rebeldeng ito? Kung pag-aarmas at pagtuligsa sa pamahalaan maging sa kapwa Pilipino ng mga ito, para sa akin, hindi edukasyon na maitutring ang gawaing ito.

Hindi lang kaisipan at damdamin ang pinaglarua­n ng mga rebeldeng grupo na ito kundi pati mismo kultura at tahanan na kanilang pundasyon sa pagiging katutubo ay pinasok at ginawang

guerilla bases ng mga armado.

***.

Inilahad din ni Datu Awing na sa Salugpunga­n school, edad 6 hanggang 17 ang mga kabataang sinasanay ng mga rebeldeng armado para maging child warrior at kalabanin ang pamahalaan.

Ang pilit na isinisiksi­k sa kanilang kaisipan ay kailangan nilang gawin ang armadong pakikibaka. Ito lang daw umano ang paraan na mabago ang bayan at ang tanging kaligtasan lang ay ang paghawak ng armas. Hindi ba pagkakaisa at pagtulong natin sa bawat isa at sa gobyerno ang magpapabag­o ng ating bayan? Hindi ba isang malaking sumpa para sa mga kabataan na turuan silang mag-armas at talikuran ang kanilang magandang kinabukasa­n?

Sa karanasan na mismo ng mga kabataang ito nagmula na sa lahat ng engkwentro sa pagitan ng NPA at ng kasundaluh­an, marami sa kanila ang namatay na hindi nila alam kung ano ang totoo nilang ipinaglala­ban.

***

Kung ang mga katutubo na ito ay nagsalita at nanindigan sa ngalan ng katotohana­n at kagustuhan na matigil na ang kultura ng karahasan at panlilinla­ng sa kanilang mga komunidad, dapat tayo rin na nandito sa kasunluran ay makita ang halaga ng ating pagsasalit­a kontra armadong pakikibaka.

Tulungan natin ang bawat isa na mapanindig­an ang ninanais natin na totoong pagbabago sa ating lipunan na nakaugat sa kapayapaan at kaunlaran, hindi sa pag-aarmas at armadong pakikibaka na itinututo sa mga kabataan.

Ito ang katotohana­n na dapat natin maunawaan at pagkakaisa­ng matugunan!

Col. Gerry M Zamudio Jr.

Philippine Air Force

Newspapers in English

Newspapers from Philippines