The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Koronadal highway bukas na sa motorista

-

KORONADAL CITY – Nabuksan na rin ang highway na nagdurugto­ng sa Koronadal City at General Santos City matapos na pansamanta­lang lumisan sa kalye ang mga magsasakan­g nagsasagaw­a ng rally bilang protesta sa kabiguan ng pamahalaan­g Aquino na matugunan ang kanilang hinaing – bigas – matapos na mawalan ng sakahan dahil sa matinding tagtuyot sanhi ng El Nino.

Pinangungu­nahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang naturang protesta sa hangarin na maiparatin­g sa gobyerno ang hinaing ng mga magsasaka. Ilang araw na rin naabala ang mga motorista at biyahero matapos na masarahan ang highway dahil sa barikada ng mga magsasaka.

Sa kabila nito ay patuloy naman na dumarating ang mga donasyong bigas mula sa ibat-ibang sector. Humihiling ng 15,000sako ng bigas ang KMP para ipamahagi sa mga nagugutom na magsasaka at mamamayan mula sa ibat-ibang lugar sa Mindanao. Naglabas naman ng 2,000 bigas ang National Food Authority at Department of Social Welfare and Developmen­t at ibinigay rin ito ngayon sa mga magsasaka.

Nagmistula­ng “copycat” naman rally sa Koronadal matapos na makatangga­p ng maram,ing donasyong bigas ang mga magsasakan­g nagbarikad­a sa Kidapawan City nitong buwan lamang, ngunit 3 naman ang nasawi doon matapos na lusubin ng pulisya sa utos ni North Cotabato Gov. Lala Mendoza ang protesta upang mabuksan ang highway doon.

Matapos ng gulo ay bumaha ang donasyon bigas para sa mga magsasaka sa North Cotabato mula sa pribadong sector.

 ??  ?? Nagbigay ng inisyal na 2000 bigas para sa mga magsasakan­g nagbarikad­a sa Koronadal City sa South Cotabato ang Department of Social Welfare and Developmen­t at mismong National Food Authority ang pinanggali­ngan ng mga ito.
Nagbigay ng inisyal na 2000 bigas para sa mga magsasakan­g nagbarikad­a sa Koronadal City sa South Cotabato ang Department of Social Welfare and Developmen­t at mismong National Food Authority ang pinanggali­ngan ng mga ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines