The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Lone wolf attacks possible!

‘Sleeper cells ng Islamic State nagkalat sa bansa’

-

INAMIN ng Philippine Army na nagkalat umano ang mga tinatawag na “sleeper cells” ng Islamic State at may posibilida­d na maghasik ng lagim ang mga ito upang guluhin ang bansa.

Bagama’t nagapi na naman ang recruitmen­t ng ng militar ang mga mga nalalabing miyembro rebelde sa Marawi City ng ng nasabing grupo na nais sakupin ito noong magtatag ng sariling nakaraang taon ng Islamic estado sa Mindanao. State ay patuloy

Sinabi ni Philippine Army chief Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista na hindi lamang sa Mindanao may mga sleeper cells dahil maging sa Luzon at Visayas ay may mga kasapi na rin ang mga ito. “Na-discover namin sa Marawi campaign na merong ISIS sleeper cells not only in Mindanao, but also in Luzon and Visayas, makikita mo nga doon yung ISIS cells. Doon makikita mo meron sa Baguio, meron sa Dagupan, meron sa Tarlac, Pangasinan; at sa Visayas naman, meron sa Samar, meron sa Cebu and so forth,” ani Bautista.

Nababahala si Bautista na maaaring manggulo ang mga sleeper cells tulad ng paisa-isang atake o lone wolf attack. “It might be in the form of lone wolf (attacks). Pag in-activate yun, pwedeng sabay-sabay silang mag-create ng terrorist activities for example one or two, mag-conduct sila ng explosion sa isang area and yung sa Cebu, assassinat­ion, liquidatio­n that will create a big impact, although two or three persons lang ang gumagawa, so yun yung most probable na strategy nila in the meantime,” wika pa ni Bautista.

Hindi naman sinabi ni Bautista kung ilan sleeper cells ang kanilang nadiskubre o kung kabilang ba dito ang mga radikal na grupo tulad ng Rajah Solaiman Movement na kaalyado ng Abu Sayyaf sa Mindanao.

Subali’t sinabi naman ni Bautista na malaki ang naitutulon­g sa kanilang ng kasalukuya­ng martial law na pinalawig sa Mindanao sa paghahabol sa mga terorista. “Unang-una, we can hold a person na particular­ly pagka very suspicious and may background of terrorist activity kasi sa Human Security Act natin, you can take in custody a terrorist or suspicious person in 36 hours tapos, after which kelangan i-release mo na siya not unlike itong nangyari sa martial law, na-hold namin sila, kasi ang pagkuha kasi ng custody is not question and answer but you have to dig the background, kung Indonesian siya we have to ask our counterpar­t in Indonesia or in Malaysia so it will take time,” paliwanag pa ni Bautista. Maaari rin umanong pasukin ng mga sundalo sa Mindanao ang mga bahay na hinihinala­ng taguan ng mga terorista o kaya ay imbakan o pagawaan ng mga bomba ng walang search warrant mula sa korte.

Nauna ng pumutok ang balita na malawak ang recruitmen­t ngayon ng Islamic State sa Mindanao upang isulong ang isang caliphate sa naturang rehiyon at pinapangak­uan rin diumano ng salapi ang mga recruit.

Ayon naman sa intelligen­ce community, isang Abu Dhar ngayon ang tumatayong lider ng Islamic State sa Mindanao at siya rin ang nasa likod ng “Khilafah Islamiyah” na itinatag noon 2012 bilang isang organisasy­on ng ibatibang grupo ng mga rebelde kabilang ang Jemaah Islamiya, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Abu Sayyaf. Una itong tinawag na alghuraba at pinalitan ng Jamaah Tawhid wal Jihad at sa huli ay naging Khalifa Islamiah Mindanao o Black Flag Movement. (May dagdag na ulat sina Priam Nepomuceno at Moh Saaduddin.)

 ??  ?? Mga miyembro ng lokal na ISIS sa Mindanao na lumabas sa website ng notorysong grupo sa Gitnang Silangan.
Mga miyembro ng lokal na ISIS sa Mindanao na lumabas sa website ng notorysong grupo sa Gitnang Silangan.
 ??  ?? Members of the Khilafah Islamiyah Movement and its shadowy group Ghuraba (strangers) train their fighters in Lanao del Sur province in the Muslim autonomous region in Mindanao in this screen shot from the propaganda video of Islamic State in the...
Members of the Khilafah Islamiyah Movement and its shadowy group Ghuraba (strangers) train their fighters in Lanao del Sur province in the Muslim autonomous region in Mindanao in this screen shot from the propaganda video of Islamic State in the...

Newspapers in English

Newspapers from Philippines