Hustisya, sigaw ng pamilya ni Angelica Luzuriaga

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page - (Rhoderick Beñez)

KIDAPAWAN CITY – Humihingi ng hustisya ang pamilya ni Angelica Fernandez Luzuriaga na walang awang pinatay sa loob ng kanyang bahay sa Kidapawan City habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang agad na madakip ang kriminal.

Natagpuang ang duguang bangkay ng 21anyos na tadtad ng taga sa kanilang bahay sa Purok 7 sa Barangay Lanao. Nagiisa ito sa naturang bahay ng maganap ang karumaldumal na kirmen, ayon sa

pulisya. Batay sa ulat, alas-7:40 ng gabi ng Setyembre 22 ng makatanggap ng ulat ang pulisya ukol sa krimen at agad itong tinungo ng mag alagad ng batas. At doon tumambad ang kaawaawang bangkay ng babae na naliligo sa sariling dugo.

Nagtamo ang biktima ng maraming sugat sa kanyang katawan, partikular sa leeg, balikat at kamay.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na ilang araw na umanong natutulog ang biktima sa kanilang bahay na mag-isa dahil ang kanyang pamilya ay nasa Davao City.

Ayon kay SPO1 Mepeboset Himalaya, ang imbestigador sa kaso, sinira ng kriminal ang kahoy na window grill sa likurang bahagi ng bahay na siyang ginamit nito upang makapasok.

Sinabi naman ni Supt. Ramel Hojilla, ang hepe ng pulisya, na patuloy ang pangangalap nila ng mga ebidensya sa krimen at mapanagot ang responsable sa kalunoslunos na sinapit ng biktima.

Una na ring nag-alok ng P100,000 reward ang pamahalaan ng Kidapawan sa makapagtuturo sa pagkakakilanlan ng kriminal.

Photo from her Facebook account.

Angelica Fernandez Luzuriaga.

Angelica Lururiaga

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.