Higanteng tarp nina Duterte, Go lumutang sa Zambo

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News -

LUMUTANG SA Zamboanga City ang isang dambuhalang tarpaulin na may larawan nina Pangulong Rodrigo Duterte at senatorial bet nitong si Bong Go sa Zamboanga City.

Sa higanteng tarpaulin di-kalayuan sa kampo ng Philippine Air Force sa Barangay Santa Maria ay makikita ang: “Political advertisement paid by Reiko Chua, Temple Drive, Quezon City.” Makikita doon na ginagamit ni Go ang Malasakit Center bilang atraksyon sa naturang political ad.

Ngunit ilang mga tarpaulin ni Go rin ang sinira ng mga di-kilalang tao sa Zamboanga. Bumabaha na rin ng mga ad ang radio at telebisyon sa nasabing lungsod upang maisulong ang kandidatura ni Go na bigong makapasok sa mga pulitikong malakas sa publiko sa huling survey sa bansa.

Ngunit mismong si Duterte ang personal na kumakampanya para kay Go, gayun rin kina Bato dela Rosa at Fancis Tolentino na tumatakbo rin sa senado at tulad ni Go ay kulelat rin sa survey.

Ang dambuhalang political ad ni Bong Go sa Zamboanga. (Mindanao Examiner)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.