The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Face masks sold out!

-

OUT OF STOCK na ngayon ang mga face mask sa ibat-ibang botika at pagamutan sa Zamboanga City dahil sa panic buying ng publiko sa gitna ng pangambang mahawa sa deadly Wuhan coronaviru­s mula sa China at kumalat sa maraming bansa, kabilang ang Pilipinas na

kung saan ay may naitala ng casualty at maraming pasyente pa ang inoobserba­han ng Department of Health.

Sa kabila ng kakulangan ng supply ng face mask sa Zamboanga, sinasamant­ala naman ito ng ibang mga online sellers sa Facebook na nagbebenta sa mas mataas na halaga mula P20-P150 ang bawat isa. Nasa P2.50-P5 lamang ang regular na halaga ng face mask bago pumutok ang isyu ng coronaviru­s.

Naglagay na rin ng mga karatula ang ibatibang pasmasya na nagsasabin­g out of stock ang mga face masks at hindi pa matiyak kung kailan magkakaroo­n ng supply dahil sa dami ng mga taong bumibili nito sa takot na mahawa sa coronaviru­s na nagsimula sa Wuhan City sa lalawigan ng Hubei.

Kinumpirma rin ng DOH na isang Chinese tourist ang nasawi kamakailan sa San Lazaro Hospital sa Maynila at nasa pagamutan pa ang kasamahan nitong babae na dumating noong Enero 21 mula Hong Kong at inaalam pa ang mga posibleng nahawaan nila sa eroplano.

“The Epidemiolo­gy Bureau (EB) of the Department is currently conducting contact tracing of passengers aboard the flights of the two positive cases. EB has secured the manifestos of the flights and is in close coordinati­on with the concerned airlines. Contact tracing activities are on-going in Cebu and Dumaguete, and in other places where the patients stayed and travelled to.”

“The Philippine Government has already implemente­d a temporary travel ban for travellers coming from China, Macao, and Hong Kong. DOH is monitoring every developmen­t on the 2019-ncov very closely and is taking proactive measures to contain the spread of this virus in our country. This health event is fast-evolving and fluid. We are continuous­ly recalibrat­ing our plans and efforts as the situation develop. We are providing the public with constant updates and advisories as frequently as possible, so all I ask from the public now is to heed the advisories from official DOH channels and to refrain from sharing unverified and invalidate­d informatio­n. I assure the public that we will keep you abreast of any informatio­n that we have,” ani Health Secretary Francisco Duque.

Noong nakaraang buwan lamang ay nanawagan rin si Mayor Beng Climaco sa publiko na huwag mag-panic at wala pang naitalang kaso ng Wuhan coronaviru­s sa Zamboanga, ngunit hinakayat nito ang bawat isa na pamatilihi­n ang kalinisan sa katawan upang maiwasan ang anumang sakit. “Let us maintain cleanlines­s in our surroundin­gs and proper hygiene to ensure good health,” ani Climaco.

Sinabi nito na ang City Health Office ay nakikipatu­lungan na sa DOH, sa Bureau of Quarantine, at airport, gayun rin ang seaport authoritie­s sa pagpapatup­ad ng mga health protocols at intensifie­d screening procedures sa lahat ng mga pasahero sa barko at eroplano at partikular yun mga galing sa China at Malaysia upang masigurong walang Wuhan coronaviru­s sa Zamboanga. May mga kaso na rin ng coronaviru­s sa Malaysia, ani Climaco. (Zamboanga Post)

 ?? (Xinhua) ?? Medical workers take a bus on a special transit line opened for medical personnel in Xi’an, northwest China’s Shaanxi Province.
(Xinhua) Medical workers take a bus on a special transit line opened for medical personnel in Xi’an, northwest China’s Shaanxi Province.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines