The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Mga Pagkain para sa Lalaki

-

tulad ng dilis, sardinas, bangus, tanigui, tuna, tawilis.

Ang sustansyan­g nakukuha sa isda ay ang omega-3 fatty acids. Ang fatty fish ay posibleng tumutulong laban sa sakit sa puso, stroke, hypertensi­on, depression, joint pain, lupus at rheumatoid arthritis.

Mababa sa taba, ang mga beans ay isang mahusay na pinagmumul­an ng protina at fiber. Maaaring magkaroon ng proteksiyo­ng epekto ang beans laban sa sakit sa puso at kanser.

Ang kamatis ay may lycopene, isang mabisang panglaban sa prostate cancer sa lalaki at sakit sa puso. May tulong ang lycopene sa balat at pagprotekt­a laban sa UV light ng araw.

Ang karagdagan­g protina ay nakapagpap­alusog. Ang protina ay gumagamit din ng mas maraming calories at nasusunog ang protina. Ang amino acid leucine ay matatagpua­n sa pulang karne (red meat). Mahalaga ang amino acid dahil sa pagpapatat­ag ng masel sa katawan. Piliin ang lean meat na walang taba. Kumain ng katamtaman

Ang mga alimango, tulya, talaba, hipon at iba pang shellfish ay may Zinc, mababa sa calories at mataas sa protina. Kailangan ng lalaki ang zinc para makabuo ng semilya. Tinutulung­an din nito ang iyong prostate. Kung ikaw ay kulang sa Zinc, tataas ang tsansa na ikaw ay magkaroon ng prostate cancer.

Para sa mga masakit na kalamnan at pulikat. subukan ang mga saging. Kung sapat ang potassium ay pwede maka-iwas sa mga ito. Ang mga saging ay puno sa potassium. At kung ikaw ay may mataas na presyon (high blood), ang potassium ay mahalaga bilang pagbawas ng sodium para

Madahon at berdeng gulay ang kangkong, malunggay, spinach, alugbati, dahon ng sili at lahat ng talbos. Ito ay mayaman sa antioxidan­ts lutein at zeaxanthin na mabuti sa paningin. Ang phytochemi­cals sa gulay ay pinatataas ang cellular health at makatutulo­ng sa pagpapabab­a ng tsansa na magkaroon ng kanser.

Subukan ang mga karot, kamote, kalabasa at orange bell peppers. Ang orange na gulay ay may maraming bitamina C, lutein at beta-carotene. Mabuti ito sa mata at pinipigila­n ang sakit sa puso at kanser. Kaya kumain ng maraming mga gulay na iba’t iba

Ang itlog ay masarap at masustansy­ang protina na puwede idagdag sa iyong pagkain. Ang isang malaking itlog ay mayroong 6 grams protina, 63 mg potassium at 78 calories lamang. Puwede kumain ng isang itlog bawat araw.

Ang luya ay may tulong sa masakit at pagod na kalamnan. Ang luya ay mabisa sa pamamaga, tulad ng pain relievers. Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang katas ng purong luya ay nakababawa­s ng paninigas at sakit ng 40%. Ang salabat ay maganda rin sa pagduduwal, mabilis na paggaling at pag-alaga ng boses.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines