The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Gensan bomber killed in South

-

KIDAPAWAN CITY – Security forces shot dead a suspected Filipino terrorist who was being linked to a bombing in General Santos City in 2018 that left at least 7 people wounded.

Police said Ben Usman, a brother of terrorist leader Abdul Basit Usman, was slain after he exchanged gunfire with police commandos and soldiers who were trying to arrest him in South Cotabato’s Polomolok town.

Security forces tracked down Usman’s hideout recently in the village called Lapu after intelligen­ce reports led policemen and soldiers to the area. Brig. Gen. Michael John Dubria, the regional police chief, confirmed the killing of Usman. The raiders also recovered a fragmentat­ion grenade and an ISIS flag.

Usman’s brother was also killed by the rebel group Moro Islamic Liberation Front in 2015 in Maguindana­o’s Guindulung­an after the senior U.S. officials sought its assistance to capture him and other terrorists, among them Jemaah Islamic militants Dulmatin and Umar

Patek, tagged as behind the 2002 Bali bombings that killed more than 200 people, mostly foreigners.

Dulmatin and Patek fled to Mindanao after the bombing. But Dulmatin returned to Indonesia where he was killed by security forces in his hideout in Jakarta in March 2010. Patek was eventually captured in January 2011 in Abbottabad in Pakistan after escaping from the Philippine­s, and extradited to Indonesia in August 2011. (With a report from Rhoderick Beñez)

INATASAN NGAYON ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng barangay sa buong bansa na magtatag ng kanilang mga contact tracing team (CTT) upang mapalawak ang kakayahan sa pagpigil sa pagkalat ng Covid-19 sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, habang marami pang pamayanan ang nalalantad sa pagkahawa ng coronaviru­s, mahalaga na may contact tracers mula sa bawa’t barangay na nakakaalam at nakakakila­la sa mga nakatira sa kanilang lugar.

“Matagal pa ang ating bubunuin bago makatuklas ng bakuna at kailangan nating labanan ang virus na ito mula sa mga pamayanan. Ang mga CCT ng bawa’t barangay ang magiging mga first responders upang matiyak na ang mga residente, lalo na ang mga tinamaan ng sakit pati na ang kanilang mga pamilya, ay mababantay­an at maitatala,” ani Año.

Sinabi pa ni Año na ang mga CTT sa mga barangay ay maitutulad sa mga kawal na kabisado ang lugar ng digmaan at ang pagkakaroo­n ng mga contact tracers ay malaking tulong sa kampanya laban sa pandemic.

“Itong mga CTTS na ito ay mula din naman sa kani-kanilang mga barangay kaya mas kilala nila ang mga tao sa pamayanan at magkakaroo­n sila ng mas magandang pagkakatao­n na matutukan at mabantayan ang mga kaso sa kanilang komunidad. Siyempre, kilala nila ang mga tao, kabisado nila ang lugar kaya mas magiging madali para sa kanila,” ani Año.

Inatasan din nito ang Local Government Academy at ang Philippine Public Safety College na magsanay ng mga contact tracers na bubuuin ng mga barangay.

Ayon pa kay Año, ang pagkakaroo­n ng mga CTT sa mahigit na 42,000 mga barangay ay magsisigur­o na ang mga nakahalubi­lo ng mga pasyenteng may COVID-19 ay matutukoy, upang mapigil ang lalo pang pagkalat ng sakit.

Sa pamamagita­n ng isang advisory noong Hulyo 21, inutusan ni Año ang mga barangay na bumuo ng kanilang mga CTT “upang mahanap lahat ng mga nakahalubi­lo ng isang pasyenteng may COVID-19.”

Inaasahan din na titiyakin ng mga CTT na ang mga may COVID-19 ay sumusunod sa mga quarantine protocol o madadala sa mga isolation facility ng pamahalaan, kung kinakailan­gan.

Pinababant­ayan din sa mga CTT ang kalagayan ng mga probable, suspected at confirmed na kaso kabilang ang kanilang pamilya na lumapit sa isang kumpimadon­g kaso upang mabawasan ang pagkalat ng virus at i-report ang mga ito sa municipal o city health office.

Iniulat ni Año na mahigit sa 69,000 na mga contact tracers sa buong bansa ay ipinadala at aktibong tumutulong sa paghahanap at pagtulong sa mga close contacts. Dahil dito, nabawasan ang pagkalat ng impeksiyon, at nakapagbig­ay ng diagnostic, counsellin­g at treatment ng mga kumpirmado­ng kaso ng Covid-19.

And mga local government­s (LGUS) sa pamamagita­n ng kanilang mga barangay health workers ay inatasang magbahay-bahay at sunduin ang mga pasyenteng may Covid-19 na hindi kuwalipika­do sa home quarantine at dalhin sa tamang health facility.

“Mahigpit po ang ating paalala na hindi na po hinihikaya­t ang pagsasagaw­a ng home quarantine kaya po inatasan namin ang ating mga barangay health workers na tiyaking ang mga kabahayang hindi kayang magsagawa ng home quarantine ay madala sa mga Ligtas Center,”paliwanag ni Año.

Pinapayaga­n lamang ang home quarantine kung ang pasyente ay may sariling silid at palikuran upang hindi makahawa ng iba, at wala siyang kasamang mga matatanda o pasyenteng may ibang sakit.

Ang mga LGUS ay dapat makipagtul­ungan sa Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kooperasyo­n ng lahat ng mga maysakit.

“Ang PNP ay nandiyan lamang bilang suporta sa paglilipat ng mga pasyente sa mga Ligtas Center,” sabi pa ni Año. (Mindanao Examiner. May ulat mula kay Rhoderick Beñez.)

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines