Pabahay para sa T’boli, Blaan pinuri

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - (Rhoderick Beñez)

NORTH COTABATO Isang daang pamilya mula sa tribu ng T’boli at Blaan sa bayan ng Tulunan sa North Cotabato ang makikinaba­ng sa pabahay ng pamahalaan­g Duterte, ayon sa National Housing Authority o NHA.

Todo naman ang pasasalama­t ni Tulunan Mayor Pip Limbungan at miyembro ng Sanggunian Bayan at maging ang mga Barangay Bacong officials sa 100 bahay. Matagal na umano ang kahilingan­g ito at ngayon ay maibibigay na sa mga karapat-dapat na benepisyar­yo ng NHA.

Nagbalik tanaw naman si Limbungan sa sakripisyo ng lahat at pag-aasikaso ng mga dokumento at kooperasyo­n ng homeowners at ng mga lideres nito.

Labis rin ang pasasalama­t ni Barangay Chairman Victor Acac, sa lahat ng ahensya na tumulong sa kanila. Kanya rin hiniling ang dagdag pang bahay para sa mga residente na nangangail­angan rin ng tulong.

Hiniling din ni Acac na maisaayos ang kanilang farm-to-market road. Sinabi ni NHA Regional Manager Engr. Erasme Madlos na bukas ang kanilang tanggapan sa hiling ng pabahay, lalo na mula sa mga indigenous groups o tribu dahil bahagi sila ng prayoridad ng pamahalaan na matulungan.

Nagpasalam­at rin ang mga natibo kay Governor Nancy Catamco sa malaking suporta nito. Kasabay ng okasyon ay namahagi ng planting material at abono si Catamco sa mga magsasaka sa nasabing lugar.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.