The Mindanao Examiner Regional Newspaper
Catamco namahagi ng tulong
KIDAPAWAN CITY – Todo ang pasasalamat ng mga residente ng Makilala sa tulong na ipinamahagi ni Governor Nancy Catamco bilang suporta sa mga biktima ng nakaraang lindol na ngayon ay nanatili pa rin sa mga relocation sites sa kalagitnaan ng coronavirus pandemic.
Mahigit sa P6 milyon ang naipamahagi ni Catamco sa mga residente ng Barangay Luayon. Umabot sa 606 ang benepisyaryo ng ayuda mula sa butihing gobernadora. “Ang importante bisan hinay-hinay pero naay solusyon ang sitwasyon,” ani Catamco.
Sinabi naman ni Malasila Barangay Chairman Melvin Fortajada na lubhang napakaswerte ng mga residente ng taga-luayon sa tulong na naigawad sa kanila ni Catamco.
Sa covered court ng Malasila isinagawa ang distribusyon ng tulong sa mga benepisyaryo na katanggap ng P10,000 bawat isa at ito ay liban pa sa mga tulong-pinansyal na matatanggap ng mga biktima mula sa National Government.
Tiniyak naman ni Fortajada na ang lahat ay malugod nyang tinatanggap bilang residente, kaugnay ito ng panukalang itatayong relocation site sa Malasila.
Nagpaalala naman si Catamco sa bawat isa na maging maingat at panatilihin ang physical distancing at sumunod sa health protocols at quarantine guidelines. “Dapat ay panatilihing ang pag-iingat laban sa banta ng Covid-19. Lahat tayo ay biktima ng panahon, ngunit ang ating pagkakaisa ang syang solusyon,” wika nito.
Kasama ni Catamco sa aktibidad sina Mayor Armando Quibod at kanyang maybahay na si Conchita Quibod; Board Members Onofre Respicio at Dr. Philbert Malaluan, gayun rin sina Councilors Christine Ang-malaluan, William Apostol, at Teoderito Orbita.
Nagpapasalamat si Catamco sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Makilala, kawani ng ibatibang ahensya ng provincial government.