The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Kulong o Bakuna?

-

IPAKUKULON­G UMANO ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga taong ayaw magpa-bakuna at sinabing tuturukan pa nito ng Ivermectin na gamot kontra-bulate ang mga mahuhuli.

Tinawag pang “yawa” at minura ni Duterte ang mga ayaw magpa-bakuna at sinabing uutusan nito ang Department of the

Interior and Local Government (DILG) upang mandohan ang mga barangay officials na kunin ang mga pangalan ng mga residenten­g tumatanggi sa Covid-19 vaccine.

“Kayong mga barangay captains, I will task the DILG to do that, to look for these persons and kung hindi, I will order their arrest, sa totoo lang. Why? Because if you are a person na hindi ka vaccinated, you are a carrier, a potential carrier (of Covid-19) and to protect the people, I have to sequester you in jail. Mamili kayo: magpabakun­a kayo o ipakulong ko kayo sa selda? Sabi ko sa iyo ‘yong selda diyan sa mga pulis, walang linis ‘yan, eh tamad ‘yang pulis maglinis. Nandoon ang lahat, lahat na ng baho nandoon. Doon kayo. Ganito na lang, I will think it over very hard, legally, of course. Pero ‘pag hindi, ayaw ninyo, ipaaresto ko kayo. That is in pursuance of a policy of our crisis of itong health issue,” ani Duterte.

“Iyang mga yawa na ‘yan na ayaw magpabakun­a. Itong mga gago na ayaw magpa-bakuna, and they are really the carriers. If you are, they can, you know, travel from one place to another, carrying the virus and then contaminat­ing other people. Ito ‘yong ayaw magpabakun­a. Kayong ayaw magpabakun­a, ipabakuna ko ‘yong itong sa bakuna ng baboy, ‘yong Ivermectin. Iyon ang ibakuna ko sa kanila. Ang tigas ng ulo eh. Kaya don’t get me wrong. There is a crisis being faced in this country. There is a national emergency. Kung ayaw mong magpabakun­a, ipaaresto kita,” dagdag pa nito.

Sinabi pa nito na ituturok niya ang Ivermectin sa puwet ng mga ayaw magpa-bakuna.

“Itusok ko sa puwet mo. Putang ina, bwiset kayo. Eh, hirap na nga tayo tapos nandiyan pa kayo napakarami­ng dag… So kung lahat ng Pilipinong nakikinig ngayon, bantay kayo. Don’t force my hand into it, kagaya nitong ano. Strong-arm method ‘yan eh. Walang may gusto niyan. Pero kung hindi kayo magpabakun­a, umalis kayo sa Pilipinas. Go to India if you want or somewhere, to America. But for as long as you are here and you are a human being, and can carry the virus, eh magpabakun­a ka,” wika pa nito.

Matatandaa­ng sinabi noon ni Duterte sa mga namimili ng brand ng Covid-19 vaccines na kung ayaw nila ng Sinovac ng China ay huwag na silang magpa-bakuna. Karamihan sa mga Pilipino ay ayaw sa Chinese vaccines dahil umano sa mababang efficacy rate nito at iba pang kadahilana­n. Sa Wuhan, China nagmula ang Covid-19 virus noong Disyembre 2019 at kumalat ito sa buong mundo. (Mindanao Examiner)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines