The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Bukol sa Baga: Kanser Ba Ito?

- Ni Dr. Willie Ong (Manila)

PARA SA artikulong ito, kinuha ko si Dra. Meredith Garcia, isang espesyalis­ta sa kanser para magbigay ng paliwanag. Heto ang payo ni Dra. Garcia.

Ang bukol ay madalas mababasa sa X-ray result bilang “mass”, “nodule”, “nodularity”, “opacity” o “lesion”. Madalas, nakikita ang mga bukol sa baga kapag nagpa-chest X-ray ang isang pasyente para sa mga sintomas tulad ng ubo o hirap sa paghinga. May mga pagkakatao­n din na nakikita lang ito nang hindi sinasadya sa executive checkup o sa annual examinatio­n ng mga nag-a-apply sa trabaho kahit na ang pasyente ay wala namang nararamdam­an.

Maraming posibleng ibaibang dahiphysic­al lan ang pagkakaroo­n ng mga mukhang “bukol” sa chest X-ray, tulad ng pulmonya (pneumonia), pigsa sa baga (lung abscess), TB (tuberculos­is) at fungal infection. Meron ding tunay na bukol na benign o noncancero­us tulad ng hamartoma. Pero ang isang mahalagang diagnosis na dapat imbestigah­an ay cancer. Maaari itong primary lung cancer, metastatic lung cancer na kumalat mula sa cancer sa ibang bahagi ng katawan, o iba pang uri ng cancer tulad ng lymphoma, sarcoma at mesothelio­ma.

Kapag may nakitang “bukol” sa chest X-ray, mahalagang magpatingi­n agad sa doktor para maimbestig­ahan ang sanhi nito. Kukunin ng doktor ang iyong medical history at gagawan ka ng isang examinatio­n. Binubusisi rin ang itsura ng X-ray kung ito ay may mga katangian na mas mukhang benign o mas mukhang cancer.

Depende sa iniisip na diagnosis ng doktor, maaari siyang magpagawa ng mga karagdagan­g test para makumpirma ang kanyang diagnosis tulad ng CT scan, bronchosco­py (endoscopy ng baga) at biopsy. Dito sa Pilipinas kung saan talamak ang TB, madalas ding nagpapagaw­a ng lab test sa plema (sputum AFB).

Huwag balewalain ang anumang bukol sa chest X-ray lalo na kung ikaw ay may history ng malakas na paninigari­lyo o mga sintomas na hindi nawawala o lumalala. Magpatingi­n kaagad sa doktor.

 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines