The Philippine Star

‘The thrill of a Virgin ride’

-

Yehey! Mag- iingay na ako’t magwawala Sapagkat July na! Tatagay na’t tutungga! Ito na ang b’wan ng dakilang kabanata — Sa July 30... THIRTYTHRE­E na EAT, BULAGA! Dalawang numerong ito pa’y magkahambi­ng, Ang tawag dito’y pompyang sa jueteng, Kung kaya ipagdiwang, ingay ay doblehin At dagdagan pa ang pag-indak at pagkendeng! Anim na pangulo na kanyang dinaanan At naglingkod sa tatlong malaking himpilan, Kaya sa naging bahagi ng mga kasaysayan, Nais namin kayo muling pasalamata­n. Mabuhay ang Bulaga! Salamat! Salamat! Ako’y sisigaw sa galak hanggang mamalat, Magpakalat ng bulaklak at isambulat, Isaboy ang confetti... pati balakubak! Ngak! Ayos lang na sariling bangko’y iangat Sa mga kaganapan na kagulat-gulat, Makibunyi na rin mga naging katapat, ‘ Wag mahiya’t kumita naman tayo lahat! Ito’y ‘di panahon ng pagpapakah­inhin, Bibihira lang ito at mahirap gawin, Magtumba na ng baboy, ng baka at kambing At matapos pagdiriwan­g... patayuin din! Ngek! Isang libo’t isang tuwa nga talaga Ang nadarama sa labis na pagpapala, Ngunit pansamanta­lang iwanan na muna At sa ibang balon ng ligaya magpunta.

Alam n’yo ba na may isang mas mabigat pa Sa aming linya na — “Mahirap magpatawa”? Naisip ko’t nangyari ‘to isang umaga Nung nasa Nuyok pa magdadalaw­ang b’wan na. Palipad doon din kasi ang aking hija Na manggagali­ng Londres... kami la’y nauna, Subalit bago dun ay tandang- tanda ko pa — Nagtanong s’ya kung anong airline sasakyan n’ya. “Ano kukunin ko Daddy, Virgin or Delta?” Eh sa akin pareho lang... de bahala s’ya, Nang biglaang maisip ko oo nga pala... Na in my travel life, a Virgin flight? Hindi pa! At sa oras na ‘yon ako din ay natawa Dahilan nga sa biglang nasabi kong linya, Katabi ko pa mandin ang aking asawa, “Hindi pa ‘ko nakakatiki­m ng Virgin ha!” At sa oras na ‘yon nagplano kapagdaka Na sa next trip namin Virgin Airlines na Nang artikulong ito ay makumpleto na, O, ngayon, hindi ba MAGASTOS MAGPATAWA?! Actually, ‘ yang Virgin ako’y nakatikim na, Kaya lang ‘yung Virgin Cola at malamig pa, Nakatikim uli ng Virgin nung magpunta From London to Liverpool and back… tren nga lang s’ya. Ang pinakaclos­e ko na nasakyan like Virgin Ay nung lumipad kami ng Concorde ni Eileen, Para pa ngang ibon pag ito’y luma- landing, That is why “like Virgin” kasi nga LIKE A BIRD DIN! Pero ‘ yung may malaking pakpak eh hindi pa, Pero ‘ yang eroplano na ‘ yan planado na, Walang matimtiman­g Virgin basta turista, Virgin? ‘ Yun lang… masakit ‘ yan… op kors sa bulsa!

 ??  ?? Now you know that a Virgin can be ‘train-ed,’ too
Now you know that a Virgin can be ‘train-ed,’ too
 ??  ?? This is where you pick up a Virgin (returning to London Euston)
This is where you pick up a Virgin (returning to London Euston)
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines