‘My Favorite Tinga’
Ano ang sukatan at para mo malaman
Ang sarap ng tsibog na iyong nilantakan?
Sa ganang kain, ngek! Sa ganang akin naman,
Namnam ko ‘yan sa dalawang pamamaraan.
Una, sa dami ng kanin na nilantakan,
Extra rice forever lalo’t Japanese pa ‘yan,
And secondly, pag no rice na kinain naman,
‘Yun bang ulam lamang ang tanging binanatan! Tutal kainan naman pinag-uusapan, Este, lamunan pala, ako’y ginanahan
Na ikwentong lahat pampangiti na tiyan;
Mga pagkain para sa akin ay yum, yum, yum!
At ‘yan, ‘yan, ‘yan… meron pa akong ugali d’yan
Na kapag sarap na sarap na at sukdulan,
Tuloy-tuloy ‘yan… walang inom-inom… ganyan,
At ang ingay-ingay ko hanggang katapusan.
‘Yung malakas sa kanin ang ating balikan —
At panga ng tuna nangunguna d’yan,
Hamachi… yellow tail… kahit ano’ng tawag man,
Amberjack o tuna… basta’t inihaw lamang.
At kung gusto n’yo pang lalong magkaululan,
Kalamansi at toyo ako’y inyong bigyan,
At para makumpleto “madugong labanan,”
Lato o ar-arosep ako ay hatagan!
At naturalmente may tomatoes
and onions,
Kung wala, atsara pwede nang pagtyagaan,
At kung may makukuha pang manggang pahutan,
Wow! Ayos na ayos na ang buto-buto n’yan!
At ‘yung walang kinaing kanin ano naman?
Nangyari ito kailan lang at minsan pa lang,
Ngunit ito na panalo sa mga ganyan —
Mga tipong pinapak lang at pinulutan.
And the winner… dyarannn! GILDA kanyang pangalan,
Ops, hindi po babae aking inupakan! Nang sa Basque Region of
Spain kami’y mapadaan, Doon sa Bilbao… Gildas ang kinabaliwan!
Gildas, o lollipop, sa kanya’y pinangalan,
Tapas s’ya o pintxos o sa ati’y pulutan,
Tusok-tuhog sa toothpick tatlo n’yang “tauhan” —
Guindilla at olive at anchovy
ang laman.
Guindilla o sili na kontingkonti anghang,
Nag-iisang anchovy na medyo inasnan,
At isang olive na buto ay tinanggalan,
S’yempre naman ‘no… pa’no mo matututpik ‘yon?!
Basta’t naaalala ko nang s’yay matikman,
Sa isang buong araw s’ya lang inupuan,
Mga dalawampung Gildas ang aking bilang
At dahil sa kanya, Bilbao gustong balikan!
Para sa anak ko ay Boquerones naman, Ayos din sa’kin at white an
chovies naman ‘yan, Pero iba pa rin ‘yung may pinagsamahan,
‘Yung assembly ng Gildas talagang number one.
May isa pang pagkakataong nagkaganyan
Nang sa Barcelona sa Espanya din minsan,
Nang Pulpo a la plancha aking matikman,
Mga limang platong octopus ang nilafang!
At ngayo’y nalalaman na ng buong bayan,
Gustong-gustong nilalamon at nilalaman
Ng inyong lingkod may kanin man o wala lang,
MY FAVORITE TINGA ang matatawag ko d’yan!