The Philippine Star

'Around the Word'

-

Habang nag-i-Eat, Bulaga! nung August twenty-one,

Ako’t ilang Dabarkads nakatambay sa Host Room,

Lahat, pwera ako, merong iPad sa harapan

Nang biglang tungkol religion ang naging usapan. Nasentro sa United States ang aming interest,

Ano nga kaya sa Amerikano ang largest?

Kaya kay Ma’am Malou Google agad aming request,

Syempre, “What is the largest ministry in the U.S.?”

Google/Wikipedia mabilis talaga aksyon,

Joel Osteen ang sinagot na s’ya ang

number one, Inulit ko pa sa iPhone ko at sagot di’y ‘yon, Then I thought, “What’s the largest

naman ba in our nation?” Pinalitan of course, lang ang “U.S.” ng “Philippine­s” Naghulaan kami at kanya-kanyang manok, Mabilis din ang aksyon pero ito ang sagot — Dyarannn! “Ministry of Education, Culture and Sports!”

Nyuk, nyuk, nyuk! True story ‘yan at marami nang ganyan

Sa Eat, Bulaga! na mga kwelang kasaysayan,

Ako lang ang matyaga at dakilang historian,

Sinusulat at tinatago litrato man ‘yan.

Hesus, Maria, Hosep, mga Anghel at si San Juan! Akalain n’yo naman aming pinagdaana­n — Mahigit Tatlong Dekada’t araw-araw pa ‘yan!

At kapag pinalampas mo’y t’yak malilimuta­n.

Si Paolo Ballestero­s you know naman siguro,

Magaling mag- transform at sarili ang modelo,

Ang husay n’yang gumaya, espesyal n’yang talento,

Mga Hollywood icons pa like Marilyn Monroe. At nakakatawa pa pag sumasagot ito, Ang pogi’t magandang babae’y sira rin ulo!

Nang mag- Angelina Jolie, si Brad tinanong ko, “Pareho lang kaming BROD at may pi

PITT din ako!” Anne Hathaway, Audrey Hepburn … para Si bang nag- cloning!

Mariah Carey at Britney Spears n’yay ang galing!

At nang mag- Madonna, he jokingly said something,

“Ang ganda ko ‘no? Pero wala rin … LIKE A BIRD DIN!”

He, he, he … sa Bulaga kasi kahit katiting

Eh dapat meron kang harot at medyo tililing,

Kumbaga, dapat sumisirko at tuma-tumbling,

Ako nga pinasisirk­o pati salita rin.

Ba’t pag heavy traffic parang naka- stop sasakyan? Rambolin mo letra ng TRAPIK … PARK

IT lang naman! Bakit ang ambon hindi major event like ulan?

Kasi ‘di tunay na anak ng langit … AMBON lang!

At ano naman ang kinukurot na masarap?

Ano pa eh di lechon na malutong ang balat!

Lechon ay baboy at ang laman ay PORK na sikat, Pag pinagsama KUROT at SARAP … in short, KURAP!

Basahin nang baliktad ang PORK at magugulat,

KROP … ‘di ba katunog ng nagmamadal­ing CORRUPT?!

Ngak! At dahil sa Luneta ang rally ginanap,

Papalitan na raw ng LUNETA PORK ang lekat!

At ang KROP ay katunog din ng Ingles ng “ebak”

Na laman madalas ng mga itinatalak

Ng ilang pulitiko’t ‘yon pala ay may balak Na papakin mga ibinabayad nating TAX!

Bakit madalas magkasama ang salad, soup, nuts?

Rambulan ito ng letra nang makita ang match,

Ang SALAD ay DASAL at nasa PUSO (SOUP) dapat,

End it with MANE … and that’s AMEN! Now take off your hats!

Naaalala n’yo ba na may kasabihan nun

Na pag ang tao’y may “katu sa utak” may sumpong?

Pero nahuli’t nalutas ko rin nang lumaon,

Wala s’yang diperensya bagkus ay mas marunong!

Ang pag-iisip lang n’yay malikot at maharot

Katulad lang ng KATU … UTAK pag pinaikot,

Subalit tanggap ko ring pagitan ay ga-buhok

Ng henyo’t baliw … tila magkabuhol ang buntot.

Ngunit walang masama kung ganyan mo gamitin

Laman ng ulo mo’t sa ‘yo ‘yat walang aangkin,

At kung ‘di mo naman susubukang paglaruin,

Pa’no mo pa malalaman kaya n’yang marating?

 ??  ?? And speaking of
sirkuhan, last Aug. 25, the Eat, Bulaga! Dabarkads watched Michael Jackson The Immortal by Cirque du Soleil at the AsiaWorld-Expo Areana in Hong Kong. Hanep! Galeng! Hindi ko na papangalan­an ‘yung mga nasa picture — magaling lang ako...
And speaking of sirkuhan, last Aug. 25, the Eat, Bulaga! Dabarkads watched Michael Jackson The Immortal by Cirque du Soleil at the AsiaWorld-Expo Areana in Hong Kong. Hanep! Galeng! Hindi ko na papangalan­an ‘yung mga nasa picture — magaling lang ako...
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines