The Philippine Star

‘From Start To Penis’

-

Kung minsan ang paglipat natin at pagpunta

From one point to another may nakakatawa, O nakakatuwa ring maituturin­g ba, At kadalasan ding ikaw’y masusorpre­sa!

Nung nakaraang Linggo’y Araw ng Palaspas

At nagbalik alaala ang nakalipas

Bago pa tinuli’t ngumata ng bayabas,

Kumikita na ‘ko’t sa palaspas ang katas!

Kinse sentimos bawat palaspas ang bayad!

Kung makakasamp­u ka’y uno singkwenta agad!

‘Yan ang una kong sweldo sa ‘king pagpapagod,

Totoy pa lamang ba ako na’y sumasahod!

Sa murang isip pa lang sa ‘kin na’y sumaksak

Kahalagaha­n ng pawis kapag pumatak,

At mula nuo’t sa haba na nang tinahak,

‘Di na masama — From palaspas to palakpak!

At last Palm

Sunday nga’y aking ipinaalam Paggawa ng palaspas aking nakaraan, Laki ng ngiti ko nang isang kaibigan Ang nagsabing gamit sa pagpalakpa­k ay

PALM! Oo nga naman at ayun na kaugnayan At nakakagula­t din talaga kung minsan, Tulad din nang nakaraang punta sa Japan,

After PENITENSYA… PENIS FESTIVAL naman! Ngek! Pero hindi naman ito kasalanan! Kaalaman ito at nagkataon lamang, Walang malisya itong isang pagdiriwan­g At nung Seventeent­h Century pa sinimulan!

Nang magpunta Bulaga nung isang linggo

Ay bertdey ng ermats ko’t humabol lang ako,

So para fair nagdagdag ng araw sa dulo At pinili na sa

Kawasaki magtungo!

Shinto Kanamara Matsuri tawag dito,

Penistibal ng Hapon tuwing unang Linggo

Ng Abril at sa kanila’y relihiyoso

At may mas malalim na kahulugan ito.

Mga isang libo’t limang daang taon na

Nang pagtitipon­g ganito ay magumpisa,

May festival ding para naman sa

vagina —

Ososo Matsuri, second Sunday of March s’ya.

Fertility Festival

tinuturing ito, Kumbaga sa atin tila ba sa Obando, Nang PAG-AANI naman daw’y umasenso At dumami rin ang bata sa PAG-AANO! At tulad din ng nabanggit nung isang linggo Tungkol sa tawag sa “ari” ng mga tao,

It’s now clear why girls like “flower” to call their “ano,” Kasi nga sa Japan CHERRY BLOSSOMS din dito! ‘Wag kayong magtaka kung bakit may ganito Dito sa Hapong mga “shocking” na festejo, Alam n’yo namang birth rates ay mababa rito, Kasi’y madisiplin­a rito mga tao. Ang sabi nga rito’y dagdagan pa nga ito, Sa Nagoya nga’y back-to-back pa sa taong ‘to! Kasali lahat mula baby hanggang lolo! Hindi tayo ubra at marami na tayo!

Naikwento ko rin pag- start ko ng trabaho,

From kinse sentimos nakaipon din ako, At s’yempre nakabyahe’t natikman din luho, Kung kaya nga “FROM START TO PENIS” title nito!

 ??  ?? Ang Poet N’yo with wife Eileen and kids Jocas, Jako and Jio while waiting for the parade of the Shinto Kanamara Matsuri or Festival of the Steel Phallus held each spring at the Kanayama Shrine in Kawasaki, Japan. It is said that the shrine offers...
Ang Poet N’yo with wife Eileen and kids Jocas, Jako and Jio while waiting for the parade of the Shinto Kanamara Matsuri or Festival of the Steel Phallus held each spring at the Kanayama Shrine in Kawasaki, Japan. It is said that the shrine offers...
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines