The Philippine Star

‘Hubris’ (Short for YOU are the BIS among the RIS)

-

HUBRIS — short for YOU are the BIS among the RIS? He, he, he … alam ko, so nakakainis? Hubris — kanuknukan ng yabang itis! ‘Yung bang you are the only one, lahat panis!

Hubris — lahat ng kahangina’y binigkis At sa ‘yo na lahat — sikat at silahis! ‘Yun bang tingin mo’y balyena kang may bagwis! Kami’y ni hindi flying fish kundi DILIS!

Katumbas n’yan ay “wala ‘yan sa lolo ko!” Laging pinakamaga­ling ka sa mundo! Kumbaga ang husay mo ay pinaka-DULO! Pati sa yabang wala sa ‘yong tatalo!

Kaya ako ipinagmama­laki ko, Ops teka, ‘di ako hubristic, iba ‘to! Hanggang ngayon kahit ano’ng sabihin n’yo, Ako pa rin sa’ki’y isang empleyado!

‘Yan na ang tamang ilagay mo sa ulo, Tingala lagi’t ‘di pababa tingin mo! Lupa lang paa kahit ulap na ulo! Sa tatlong salita — ‘WAG KANG MAGBABAGO!

At the end of the month (para maiba ‘no!), Iba’t ‘di ikaw ang magiging hurado, Makikita naman mga nagawa mo, Pabayaang ang magsabi’y mga tao!

Subalit may isang linya rin naman d’yan — “Okay lang naman kung may ipagyayaba­ng!” Well, ang “okay lang” ay ‘yung may kahinhinan, ‘Yun bang disimulado’t nagpahagin­g lang.

Tulad, “Ang ganda talaga ng Misis ko!” Dahil ‘di naman laging masasabi ‘to! Ngek! S’yempre nama’t lalabas na bola ‘no! Basta ‘di PINAKA ginagamit ninyo!

‘Yang “pinaka” pinaka-bwisit talaga! Pinaka-magaling at pinakaUNA! Ang tao at panlasa ay iba-iba, Lahat tayo’y may kanya-kanyang PINAKA!

Basta lamang ang pagpuri at paghanga Sa iyo ay ‘wag sa iyo rin magmula! Nagsasabit ng medalya ay iba nga, Koronahan ang sarili ay ang sagwa!

Putris na hubris! Merong ‘di makatiis Na ipagsigawa­ng sila ang The Greatest! Kung minsan ay ‘di na dala ng happiness, Basta tingin la’y wala silang kaparis!

Kapag ang isang tao’y mapagkumba­ba Kahit ang galing n’yay halatang-halata, Higit pang darami ang mga hahanga, Sinasabing “PRIDE” kanila magmumula!

Meron ngang mga dating nagngangan­gawa Na sila na nga ang pinakadaki­la, Paglipas ng taon sila na’y nanghina, Mga dating inis na ay naaawa!

Mga tao naman ay nagpaparay­a, Lalo’t kung palalo ka lang sa salita, Likas na mapagpataw­ad at sabi nga — Madaling makalimot parang matanda!

Kaya nga Ang Poet N’yo ay gulong-gulo Pag sinabing “remember” ay “TANDAAN mo!” Subalit pag nakalimuta­n na ito, “MATANDA na kasi!” sasabihin n’yo!

Kaya nga kung ikaw sa tingin mo DA BIS At ang mga katulad mo la’y manipis, Pikit muna’t magdasal at mag- thank YOU please, Smile lang nang dating mo lang sa tao’y … YOU BREEZE!

But wait Ang Poet N’yo ay merong problema — Sa July 30 ay Anniversar­y na Ng Eat, Bulaga! eh magpasensy­a sana, Baka naman pwedeng magHUBRIS na muna!

 ??  ??
 ??  ?? Happy 36th birthday to Eat, Bulaga! Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga sumasalo sa amin sa tanghalian kahit ano ang aming ulam! Pagpalain nawa lahat tayo ng Maykapal!
Happy 36th birthday to Eat, Bulaga! Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga sumasalo sa amin sa tanghalian kahit ano ang aming ulam! Pagpalain nawa lahat tayo ng Maykapal!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines