‘Pangheserye at Kalyeserye’
Me, Starzan,
EDSA,
Bale wala la’t parang walang nakikita,
Nakapikit habang dinidilig ang goma! Mga lalaking Pinoy kahit sa kalsada, Ang hilig sa
P.D.A. aking napupuna,
Not Public Display of Affection, ito’y iba!
Public Display
of ARMAS o kanyang SANDATA!
At ‘yan ang PANGHESERYE natin sa kalsada!
At panghe-bi trapik na rin d’yan ay kasama!
Featuring rugby boys, snatchers at nagtitinda,
May ending
pa kaya ‘tong mabantot na
drama?!
Pwe! Pangheserye natin ay i- flush na muna,
Dito tayo sa KALYESERYE ng ligaya,
Syempre mga Dabarkads dito mga bida,
Madyidyingel ka rin pero sa katatawa! Tutal pagdyingel naman in
public ang topic, Eh hindi na ako magpapatumpik-tumpik!
Waring ganon lang ako ay magpapatalsik,
Tungkol KALYESERYE naming nakaka-ADIK!
Nais kong ipagmalaki mga kasama —
Si Paolo, si Jose, si Wally at si Yaya,
Alam n’yo bang BAHALA NA aming istorya?
Lahat sila kanya-kanyang gawa ng linya!
Susi ng tagumpay pagdating sa comedy,
Bukod sa nakapagsusulat ka rin syempre,
Eh hindi lang magpatawa iyo pang keri
Kundi halakhak mo pa ri’y nakabibingi!
Sa pangunahing awitin para palabas,
“ISANG LIBO’T ISANG TUWA” ang nakaangkas,
Waring padakila la’t pangakong may angas
At pampaganda lang sa aming patalastas!
Tatlumpu’t anim na taon ang makalipas
At halos DALAWAMPU’T LIMANG LIBONG ORAS,
At KALYESERYE nagumpisang ipalabas,
“Totoo pala s’ya!” aking naibulalas!
Totoo pala “isang libo’t isang tuwa!”
Nangyayari nga pala at... walang himala!
Sapagkat Ang Poet N’yo ‘yun ang napapala
Sa t’wing ang KALYESERYE na ay ginagawa!
Isang biyaya s’ya at swerteng masasabi —
Ang pangyayari sa amin ng KALYESERYE,
Kaya ngayong TRENTA’Y SYETE na binabyahe,
EAT BULAGA, ‘di lang may asim pa... may PANGHE!