The Philippine Star

‘More- raming Salamuch!’

Me, Starzan,

- Page C-10

Nasa kalagitnaa­n na ang Simbang Gabi, Ilang maagang gising pa ang mangyayari, Masakit sa may opisina pa at klase, Back to sleep pag bitin madalas yummy kasi!

At d’yan nakakalama­ng kaming nasa TV Na simula ng trabaho pa’y alas dose!

Ang magpuyat sa gabi pa nga’y pwedengpwe­de, “Nasaan ang hustisya?!” Sigaw ng marami! Halos apat na dekadang ganito siste! ‘Di naman umaangal at ‘di nagsisisi, Sa’n ka naman makakakita ng ganire?

Three hours of work a day lang … pagkain pa’y libre!

Tapos na rin ang Eat Bulaga Christmas party,

Isang okasyong excited kami parati, Pagkatapos n’yan kanya-kanya munang byahe,

S’yempre ang ilan may … separation anxiety?!

Ngeks naman! He, he, he … may “sepanx” pa ang dyaske? ‘Kala mo naman attached na attached verily Sa mga KaDabarkad­s at mga kakampi, O atat na atat lang talagang to break free?!

Of course ‘yung iba bonding muna sa family, ‘Yun iba pa-bondying muna sa loveydovey!

Ngeks! At kayo sa never-ending Kalyeserye!

The Best Of at kasama pa rin naman kami!

At bago pa wishes na New Year maging Happy, Panahon na muna upang magmuni-muni, Magpasalam­at sa waring pa- easy-easy Na trabahong HINDI trabahong masasabi! Maraming salamat po at mapalad kami Na mabiyayaan ng isang pagsisilbi Na tila ba huntahan lang sa tabi-tabi At kalahok pa’y halakhak, ngiti at ngisi!

At salamat din po nang maramingma­rami Sa hinandog Ninyo sa aming Kalyeserye, Sa lahat ng tauhan dito at kasali, At sa totoo lang po … KINIKILIG kami!

Salamat sa madlang sa ami’y gumagawi Sa araw-araw umaaraw man o hindi, Sa masigabong palakpak at pagbubunyi, At sa kasiyahang dala nila pag-uwi! Sa mga nasa tahanan lamang palagi, Dito at sa ibang bansa namamalagi, Salamat sa pagsubayba­y nila’t sa sukli Naming konting kiliti at ngiti sa labi!

Salamat sa pagmamahal naming masidhi Sa aming ginagawa na Inyong pinili, Sa palagay nga ay kami ngunit kung hindi

Sa Inyong paggabay wala ring minimithi! Salamat sa lahat sa palabas kasapi Kahit na ano pa ang kanilang bahagi, Sa mahabang panahon at bawat sandali,

Lubos pasasalama­t sa pagpupunya­gi! Salamat sa tatlong bubong at may ari Sa pagkakatao­ng ilipad … mamalagi Saranggola man namin kahit tsapi-tsapi, ‘Di naman sumasalok … matibay ang pisi! Thank You sa lahat ng sandaling kami’y happy, Kahit pa nga nagtatawan­a’y kami-kami, Sa tuwa na hindi na namin maikubli,

Thank You very, very much! To God be the glory!

 ??  ??
 ??  ?? Salamat kay
Maine Mendoza
at kay
Alden Richards
at sa kanilang
mga tagahanga
Salamat kay Maine Mendoza at kay Alden Richards at sa kanilang mga tagahanga
 ??  ?? Salamat sa mga Hari at ‘Reyna’ ng Kalye — Lola Nidora, Lola Tinidora at Lola Tidora. At salamat sa magandang pagsasamah­an ng Dabarkads sa araw-araw na ginawa MO!
Salamat sa mga Hari at ‘Reyna’ ng Kalye — Lola Nidora, Lola Tinidora at Lola Tidora. At salamat sa magandang pagsasamah­an ng Dabarkads sa araw-araw na ginawa MO!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines