The Philippine Star

‘Eureka! Yari Ka?’

-

PAGLAKLAKB­AY ng PILYOGRIMS tuloy na natin,

PAGLAKLAK as in EATING and BAY as in SHOPPING!

Bay o BUY, bili o bilin basta may praying! Mga girls ngang

pilgrims tawag ko ay BILI-GRIMS!

Mula Lourdes hanggang Paris sumakay kami Sa Train a Grande

Vitesse o what they call TGV, The French “high-speed train” na ipinagmama­laki! Mga anim na oras ang haba ng byahe! Sa tren may mga pulis ka lang mapapansin, Siguradong dahil ito sa terrorism! Ang hindi ko lang talaga ma- understand­ing — Pagkarga ng maleta walang X-ray machine! Ngek! Eh katatapos lang nun ng Brussels bombing! At hindi mo masabi’t baka lang ma- timing! Ang dami pang lagusan o tunnels pa man din!

May ilang maliwanag, meron ding madilim!

Nayyy! May riles pa ngang ang haba ng lagusan At mga anim na kilometro yata ‘yon! ‘Yung mula Paris hanggang istasyon sa Milan, ‘Yung from GARE de LYON, este no relation! At eto pa ang nakakadagd­ag sa tension — Kapag tumitigil na sa ilang station, May mga pumapanhik para maginspect­ion

At kulang na lang ang dala-dala ay KANYON! Kumpleto ang kargada’t tinitingna­n ka lang, Paghingi ng passport para lang bang senyasan Naisip ko nga sanang patagong kodakan, Kaya lang baka isiping hinugot ko’y GUN! Ngek! naiilang din s’yempre what do you expect? Dahil ‘di mo rin alam kung sino mga lintek! Alangan namang tanungin kahit with respect,

“Excuse po, are you TRUE … or are

you TRUE-RORIST?” Ngek! At upang mabawasan ang kaba sa viaje, Tsika na lang sa tour director kong katabi,

Na marunong ng marami-raming lengwahe — Si Rosario, ops but wait, isa s’yang lalaki! Hep at hindi lang ‘yon … maganda pang lalaki! At medyo younger version pa ni Sean Connery! At tila may bonus pa dahil pilgrims kami, Eh may hawig pa kay Padre Pio ang dyaske!

Napag-usapan namin ang salitang “VOILA!” Na ibig sabihin ay “PRESTO!” sa kanila, O kaya naman ay “LOOK!” o kaya ay “TA-DA!” Kung meron sa Tagalog ay naitanong n’ya! At ako ay biglang napaisip … hmmm … voila?

At pabiro kong sinagot ng, “voila? WALA!” Baka sabihin n’yang wala sa Tagalog nga Kaya sabi ko, “DYARANNN!” Akin na lang binola!

Waring kay Archimedes na reaksyon lang ba

Nang ONE PLUS ONE EQUALS TWO ay kanyang nakuha!

But kidding aside, nung nasabi n’ya, “EUREKA!”

‘Di ba napamura lang like, “ANAK NG P_ _ _!”?

At uubra rin naman kung “ANAK NG TUPA!” Pwede dahil EWE ang simula ng EUREKA! Ngunit ‘di kaya naibunghal­it talaga Ay hindi naman EUREKA kundi YARI KA! Tapos na! Gawa na! Ayos na! Nadale rin! TAGUMPAY talaga ang ibig na sabihin! Gayon din ang feeling nang tren ay nakarating, No terrorists … and tourists still alive and kicking!

 ??  ?? Ang Poet N’yo and Eileen in Milan. By the way, McDonald’s is still here just outside the Galleria Vittorio Emanuele II. Akala ko nga eh pinalitan na ng McDuomo!
Ang Poet N’yo and Eileen in Milan. By the way, McDonald’s is still here just outside the Galleria Vittorio Emanuele II. Akala ko nga eh pinalitan na ng McDuomo!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines