The Philippine Star

‘I’m now a Gi-gi-tarian’

-

May nadagdag sa love at hilig ko sa flying — Ito’y ang pagkain ng FLYING FISH na daing! BANGSI sa Sarangani kung ito’y tawagin, Plus kamatis, suka and mainit na kanin!

Sarrrappp! At hindi ko nga sukat akalain

Na ang sa tubig palang pinakamatu­lin

Ang pinaka-masarap din kapag dinaing! First time ko ngang natikman three days kong kinain! Kung bibigyan ko nga ng STAR parang Michelin, Lumebel sa gana ko kapag kumakain Ng A5 PREMIUM KOBE BEEF! No over-acting! Ito nama’y malutong na bawang ka- love team! Pero ang pinaka pa rin para sa akin Kung tungkol sa isda pag-uusapan natin,

At dahil sa karne ay nagbabawas

na rin, Ay GRILLED HAMACHI at KAMPACHI mga darling! Kung kaya eto nga ako at kagagaling, As a matter of fact nga lang ay kararating, At doon sa Japan pa at ‘yun lang kinain — Sa YELLOWTAIL at AMBERJACK nagpakalas­ing! Basta may lemon o kalamansi… at KANIN! O D’yos ko po please lang ‘wag N’yo muna ‘kong kunin! Ngek! Eh sa ganon talaga pagkahumal­ing! ‘Wag muna WAGYU at Kampachi muna sa’kin! Kung ganon ano itatawag n’yo sa akin Kung puro isda na lang ang aking kakanin? Pescataria­n daw? ‘Di ba GI-GI-TARIAN darling? Ayun kung alam n’yo ibig kong sabihin! ‘Wag matigas ulo sabi ni Dok sa akin! Take it easy muna sa steak, stick lang sa fishing! MEATATARIA­N din kasi’y kaiba ang sounding MA- MEAT- TEY ang dating o kaya ay MEAT- TANING! Ngek! At dahil paksa naman natin ay EATING, Eh ang Eat Bulaga ay idamay na natin, At dahil si Duterte nanalo sa voting Ay SEVENTH President na dadaanan namin!

From MAKO to DIGONG! From North to South na dating!

Pitong Presidente na dumating, imagine!

Eh ano pa nga ba ang aming mahihiling?

HILING, este HEALING President pwede na rin! Pagdating sa mga numero nga’y ang galing! 2016 dumating 16th President din! At ngayong taon din kung iisipin natin —

DU TERTE, este THE THIRTY… SEVENTH year namin!

 ?? ?? Ang Poet N’yo with Eileen, Jio, Jocas and Jako having breakfast by the Lake Kawaguchik­o. Medyo nasira ang pagka- GIGITARIAN the night before dahil napatikim ako ng karne in the Hibachi portion of the dinner. Napasubo lang!
Ang Poet N’yo with Eileen, Jio, Jocas and Jako having breakfast by the Lake Kawaguchik­o. Medyo nasira ang pagka- GIGITARIAN the night before dahil napatikim ako ng karne in the Hibachi portion of the dinner. Napasubo lang!
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines