The Philippine Star

‘ Nang Mag- out si Fuji’ (A Fujiserye)

(A Fujiserye)

- Me, Starzan,

Marami-rami na ring ulit nasilayan

Ang kaakit-akit na Mount Fuji ng Japan!

May ‘ di sinasadya’t may sadyang pinuntahan,

Ngunit iba nitong huli’t pinaghanda­an!

Ang ibig sabihin todo na ‘to! Ichiban!

Espesyal kumbaga’t para sa

Fuji lamang! ‘Yun bang sa apat na araw s’ya lang titingnan Pagkat kinuhang

hotel S’YA NASA HARAPAN!

At nakadagdag pa sa kanyang kagandahan, Ang Lake Kawaguchik­o ay nakapagita­n! At para THE

BEST na, sinagad pa ang yabang —

BALKONAHE NAMIN MAY ONSEN SA HARAPAN!

Nilakbay namin mga dalawang oras pa

Paglapag mula sa Paliparang Haneda,

Malayo sa syudad at nasa probinsya na

Ang mamahaling hotel — KOZANTEI UBUYA! At pagdating doon ang ngiti naming lima Ay bigay na bigay at abot hanggang tenga! Si Jocas, Jako, Jio at aking asawa, Op kors Ang Poet N’yo ang liksi parang ninja! S’yempre ang saya at punong-puno ng gana! Pasado Alas Kwatro oras sa kanila, Bago pa mag- check in dinako muna mata Sa gawi ng Mount Fuji naturalmen­te pa! Ngek! SUSHI-maryosep! Tempura naman! Nganga! Eh halos hindi makita si Fujiyama! Medyo may konting tuktok pa na natitira Sa kapal ng ulap… biglang nanghina ninja! Pero dapat ‘di mawawalan ng pag-asa, Wika nga ‘wag daramdamin at may bukas pa,

Pag nahawi ang ulap at langit bughaw na,

Ang bundok na bulkan din t’yak na makikita!

Subalit nang dumating ang bagong umaga

At kami ay nasa araw na pangalawa,

Wala pa rin ang Mount Fuji na ipinunta! Hiling na nga… KAHIT

MAYON MAGPAKITA NA! Relaks lang at may pag-asa pang natitira, Pero nung ikatlong araw biglang ulan pa! Ngek! Lalong nangulimli­m! Nag- sex

change na ninja… Nagpalit din ng pangalan… s’ya ay

JANIN na! Wala na! Suko na! Hanggang dun lang talaga Pagkat kinabukasa­n kami’y uuwi na! Nang biglang manumbalik sa’king alaala —

Iceland, Finland and Sweden nang kami’y magpunta! Tiniis ang halos 40 below zero ba Dahil paghabol at pag-abang kay Aurora! O Aurora Borealis na napakagand­a, O eh di nakita ka ri’t nangingini­g pa! Nanginig sa lamig subalit nagkabunga! At ‘yan ang nagbigay ng konti pang pasensya,

Sa matyaga walang matimtiman­g Aurora!

Mas tunay pa — habang may buhay may pag-asa! At nung huling araw nagising nang maaga, Alas Dyes ang sundo pabalik ng Haneda, Sinimulan ko na rin na mag-empake na, Pagtingin sa relos Alas Kwatro lang pala! Ngek! Eh bakit ganon ang liwa-liwanag na?! Ulap halos nasa lawa… LA-WA na sila! Batik-batik na asul na ang makikita! Na-“confirmed” nang ninja naging “may chance”… maganda!

Tuloy pag- beauty pero bruhang Fuji wis pa! Ako ay naligo at nagkape na muna, At bandang Alas Syete ‘di kaGinza-Ginza Este, kaginsa-ginsa pala… AYAN NA S’YA! Basta apir lang nang bigla na bonggangbo­ngga!

With puting korona! Ice cream on top ang drama! Ang mahilig sa taguan… Queen Fujiyama! Kahit 30-minute audience nga lang pwede na!

Pero TATLONG ORAS din kaming nagpasasa!

Mamangha sa The Most Beautiful Haponesa! At dun sa mga may kahirapang makita, Makikita n’yo pag ‘di kayo nagpakita!

 ??  ??
 ??  ?? Ang Poet N’yo and Eileen were happy and gay NANG MAG-OUT SI FUJI
Ang Poet N’yo and Eileen were happy and gay NANG MAG-OUT SI FUJI
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines