The Philippine Star

Drunk in love

‘Hindi ka na kakailanga­ning magpalamon sa lupa para ilibing ang kahihiyan mo.’

- By Antoinette Jadaone and Chinggay Nuque

D ear Tita Witty, I ’ve been attracted to this guy since Day 1. Siya kasi ‘yung nag- orient sa amin nung first day sa college. I joined the student council (particular­ly his team) to get to know him better. He found out I had a crush on him two years ago kasi tinawag siya ng friend ko para makapagpa- picture kami together. The next year hindi na ako sumama sa council the year after that kasi nahihiya ako. I joined again this year kasi graduating naman na siya.

The council had a big event late last year so we had an after party. I got drunk. Wala akong masyadong maalala. Nun pala kasama siyang umalalay sa ‘kin, paakyat ng second floor, habang sumisigaw ako na mataba ko, 64 kilos ako. Para daw akong nagkaroon ng sarili kong talk show, kinwento ko lahat about my love for him for three years now, pati ‘yung gaano ako nasaktan nung nakita ko siyang may ka- holding hands na girl. What to do, Tita Witty? Nakakahiya. Love, Embarrasse­d Girl

Dear Humiliated Girl ( hija, more than embarrassi­ng ‘yung experience mo),

What’s done is done. Ang pwede mo na lang gawin ay mag- migrate sa China o kaya India. Sa dami ng tao doon ay wala nang makakakila­la sa’yo. Hindi ka na kakailanga­ning magpalamon sa lupa para ilibing ang kahihiyan mo. Tama nang ‘yung dignidad mo na lang ang nailibing.

If your family doesn’t want to migrate and you will still have to face him on a daily basis, the best thing you can do is pretend that nothing happened and take comfort in knowing that he doesn’t really think of you that much since it seems he likes another girl anyway. Ang sakit, ‘no? But I’m sure sa ngayon mas gusto mo nang masaktan kaysa mapahiya. Moving forward, ito ang mga payo ko: ‘Wag mo nang alamin next time kung ano ang weight mo. Para sa susunod, wala nang specifics. Basta “Mataba ako!” lang ang isisigaw mo. I- practice mo na rin ang self-validation lines kagaya ng “Real women have curves!”; “I love my body!”; “Every inch of me is perfect from the bottom to the top!”; o kaya “End the impossible standards set by the media!”

It’s okay to be inspired but don’t plan your activities around your crush. You might get used to doing it at mahirapan ka kapag sa trabaho na. Hindi mo pwedeng sabihin sa boss mo na ayaw mo ng project na kasama si crush dahil nung nalasing ka ay sinabi mo sa kanyang mukha namang kabayo ‘yung nililigawa­n niya.

Pwedeng uminom, pero ‘wag nagpapakal­asing. You are accountabl­e for your own actions. May mga mas masamang bagay na pwedeng mangyari sa’yo kapag hindi ka maingat kaya as much as possible you have to be responsibl­e for your body — all 64 kilos of it. xoxo, Tita Witty

Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawi­tty@gmail.com.

 ?? Bridesmaid­s/Universal Pictures ?? “I got drunk. Kinwento ko lahat about my love for him, pati ‘ yung gaano ako nasaktan nung nakita ko siyang may ka- holding hands na girl.”
Bridesmaid­s/Universal Pictures “I got drunk. Kinwento ko lahat about my love for him, pati ‘ yung gaano ako nasaktan nung nakita ko siyang may ka- holding hands na girl.”
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines