The Philippine Star

‘Imagine’

Me, Starzan,

-

IMAGINE… kung sa salita natin isalin — Isipin, wariin, bulayin, akalain, Paniwalain, dili-diliin, imadyin! Kumbaga uso ngayon — INSTA- STORY TELLING! Kahit anong oras ay ubra mong gawin, Iba-iba at sabay-sabay ay pwede rin! Biglaan, gawa-gawa, imbento, day dreaming? Ang maganda pa nito… LIBRE lang IMAGINE! Imagine si John Lennon sa kai-imadyin, Nabuo at nagawa pa isang awitin! At dahil din dito hindi mo akalain, Killer n’ya isa ring matindi umimadyin! Kaya deadly rin minsan ang pag-i- imagine, Maganda siguro na lang ay sarilinin, Sa mga nega- reactions ay ingat ka rin,

Ang malinaw dito — imagine may bashers din!

Kunsabagay kadalasan ang mga ito Ay pansarilin­g pang-aliw lang aminin n’yo! Lalo’t sa isang bagay, sitwasyon o tao, Masidhi ang pagnanasa mo sa totoo!

Sapul pagkabata’y ito lang si Imagine Ang kasa-kasama at kalaro na natin! ‘Di napagkikit­a at madaling tawagin, Hindi pa maingay at ‘di pinakakain!

Hindi mo nga rin masagot kung tatanungin Kung nung maliit pa tayo’t “kalaro” natin Ay talagang wala ro’n o nasa paningin, Kikilabuta­n ka kung ngayon iisipin! Nabanggit ko nang minsan ang sa ganang akin, Nung ako’y paslit pa madalas kalaruin Ay ang aking sarili! Kaharap pa man din! At kinakausap pa! Syempre sa SALAMIN!

Binabaril ang sarili’t sinasaktan din! Ako rin ang bida at ako rin salarin! Ako rin ang bugbog at kung api-apihin, Ako rin sa huli ang pinakamaga­ling!

Hanggang nga sa paglaki at pagbibinat­a, Hanggang sa manligaw at hanggang magkasyota,

Si “Imagine” pa rin alalay at kasangga! Kalimitan kasama sa pagkakasal­a!

Ilan guilty sa atin dahil kay Imagine? We can be so romantic kahit lang nakatingin! Lahat ng maganda atin nang nakasiping! Yumaman na tayo’t masasarap kinain!

At sa paglipas ng taon hanggang pagtanda,

Si “Imagine” ay nariya’t ‘di nawawala! Sa pagtatagum­pay malaki nagagawa! Wari bang s’ya lamang ang hindi tumatanda!

Malungkot nga lang pag buhok na’y pinutian At sakit sa limot na ay sinasapian, Ito ang labis nating kinatataku­tan, Tila nagtatago na ating kaibigan!

Pumapanaw na’t nawawala kalaunan Kaya’t gamitin nang gamitin at sige lang! At hanggang naririyan si Imagine na ‘yan,

Unahan mo na at ating pasalamata­n!

Thank you friend but wait, meron lang akong napansin, Ngayong pa- ending dahil I keep on repeating, Isa lang ang hindi maganda sa IMAGINE — Eh kasi parang tumutunog s’yang I’M AGING!

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? ‘Sina Tito, Vic and Joey... kasama pati si Coney…’
‘Sina Tito, Vic and Joey... kasama pati si Coney…’
 ??  ?? Imagine... today is just the first day... of our 38th year on Eat Bulaga! (from left) Paolo Ballestero­s, Joey de Leon, Pia Guanio, Anjo Yllana, Pauleen Luna, Ruby Rodriguez, Wally Bayola and Allan K. in Vancouver
Imagine... today is just the first day... of our 38th year on Eat Bulaga! (from left) Paolo Ballestero­s, Joey de Leon, Pia Guanio, Anjo Yllana, Pauleen Luna, Ruby Rodriguez, Wally Bayola and Allan K. in Vancouver

Newspapers in English

Newspapers from Philippines