The Philippine Star

Ano Nga Ba Talaga?’

-

pa tindahan,Padilim na sa Hong Kong, bukas Subalit Sinasagad hindi ang pa shoppingak­o naghahapun­an,bago ano pa man Dahil nga uuwi na sa kinabukasa­n! Dalawang shopping bags aking dala-dala, Nang aking maisip na humuling hirit pa!

Pumasok sa store, si Vic akin pang nakita, ‘Yung bagong biling green shirt ay suot na nga n’ya!

‘Yun isa kong anak na lalaki’y narun din, Tinanong ko nga lang kung nasaan si Eileen, ‘Yun la’t naka- focus kasi ako sa shopping At sa mga nakita tumindi excitement! Pa- closing na nga ang pinasok na tindahan, Ang customers sa loob ay dalawa na lang — Ako’t isang Asyano na may katabaan, Pareho pa aming nakukursun­adahan!

Isang blue and green na sapatos na de-sintas!

Dilaw pa ang takong at kulay pula swelas! Hawak ko isang paa’t aking minamalas, Isa’y hawak nung singkit sintas kinakalas! Kakaibang shoes ay kanya nang isinukat,

Ngek! Mukhang kursunada ko pa’y masisilat! Ibinaba ko muna ang mga buhat-buhat At kunwari ay iba aking hinahanap!

Nagpunta muna ako sa lugar ng damit, Nagsukat ng ilang naroong nakasabit, Nang mapansin kong wala na ang mamang singkit, Kulay asul na sapatos agad dinagit! Ang colorful shoes ay Made in U.K. nga pala, Mga thirty-five thousand pesos ang halaga! At nang credit card na ay aking kinukuha, Wala na nga singkit … PATI BAGS KO WALA NA!

Ngak, ngek, ngik, ngok, nguk! Nanlamig ako’t nanlambot!

But nag- decide pa ring habulin nangurakot, Pero saang direksyon kaya s’ya nagsuot?

At nang pagtakbo ko … NAGISING SA BANGUNGOT! Opo mga darling, panaginip lang pala! Ngunit waring totoo ang lahat talaga! I am sure sa inyo ito ay nangyari na, Sa tunay at panaginip nagaganap s’ya!

Meron din namang leksyon ditong mapapangos — Sa mga gamit mo pag nag- shopping mag- focus! ‘Di lahat ng customers sa store gumagastos!

Iwas na rin sa makukulay na sapatos! Iba talaga ang bungang-isip na ito, Nananahimi­k ka na nga minsan pa’y tukso!

Ngunit napansin bang tila alarmang relo,

Madalas pagkatapos oras ng gising mo! Marami talaga mahirap ispelingin, Ngunit karamihan pagtanda’y kuha mo rin, ‘Di tulad panaginip hanggang iyong ending,

Wala pa ring sagot kung saan nanggagali­ng!

Dun lang makikita ‘di makita pag gising!

Dun lang din nangyayari palihim mong hiling! Mga pagnanasa na iyong kinikimkim, May mga natutupad at may nabibitin!

Kaya may paniwalang ang buhay na ito Ay isa lamang panaginip … NA

(To the tune of ‘When I’m Sixty-Four’ by The Beatles) ‘As you get older sa pag-travel, Ayaw na long haul, Pipiliin mo na lang MacauHongk­ong — Mabilis at very near lang! Shorts at tsinelas lang ay pwede, Visa pa’y no more, Bongga ang shopping, may slots pa darling, S’yempre food galore!’

TOTOO! Una’y magulo ngunit kung iisipin mo, Balik ka rin sa tulog pagdating sa dulo!

Sa iyong pagtulog na walang gisingan na!

Hindi ka lang tiyak kung mananagini­p pa!

‘Yun na nga’t babalik ka na naman kumbaga

Sa walang sagot at ANO NGA BA TALAGA?!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines