The Philippine Star

‘Of Nearness And Hue’

Me, Starzan,

-

Nabanggit sa kantong ito nung isang linggo

‘Yung tungkol pag nagkakaeda­d na viajero;

Pag hindi na ayos ang mga buto-buto,

Malalapit na lang pinipiling destino!

Kaya nga kung magmumula sa ditong punto

Eh Macau at Hong Kong ang wagi at panalo!

At kung medyo lalayo pa’y ubrang pangatlo? Winner… Miss Japan! That’s all and I arigato! Thank you girls na lang sa mga ‘di na- mention ko, Many Miss World na rin na- testing ng Poet N’yo, Ngek! Este iba ibig kong sabihin you know, Oks na ‘yung once or twice na nagkita na tayo! ‘Yung iba kasi ang pagiging HOT masyado! He, he, he… ‘yung mga tsibog sinasabi ko, O ‘yung panahon, gusto ko ‘yung halos zero! Nag-viaje ka pa ‘tapos pawis din singit mo! Mahalaga’y palaging maisisingi­t mo Ang paglalakba­y kahit saan pang ibayo,

Habang makakaya pa ng bulsa at pulso;

Habang ang pisngi mo hindi pa kulay abo! Maraming tuklas sa paglalakba­y talaga, Golden Dragon Fruit kayo ba’y nakatikim na?

Kulang-kulang isang libong piso ang isa!

‘Di mura ngunit sa sarap ay NAPAMURA! Anak ng PITAYA! ‘Yan din tawag sa kanya! Yellow Pitaya! Sarap talaga ng lasa! Alam nating ang dragon may apoy na dala, But Dragon Fruit na pula walang ibubuga! Malamang sabihin ng iba ako’y tanga At ngayon lang nakatikim nito kumbaga, Eh sa ngayon lang talaga at ‘yung dilaw pa! Nagulat nga ako’t lasa’y walang kapara! At isa pang natuklasan ko na maganda — Mainam s’ya sa “pagbabawas” sa umaga! Problema na la’y saan mo s’ya makukuha, Byahe lagi sa Macau ibig sabihin ba? Bakit hindi eh malapit naman talaga At para ka na ring nagpunta sa Europa! May Eiffel Tower at gondola sa Venezia! Wala pang visa… may bisa sa pag-ebak pa! Eh back to Manila muna and this one is true — Last September 25 the day before we flew To Macau again dahil nga may hotel na new, Nagpunta sa isang kasalan Ang Poet N’yo! Nahila’t napilit lang ako sa totoo, Direcho reception at basa agad menu!

Bridesmaid si Jocas, Ninang naman ang darling ko, Si Eileen daw’y seated sa first row ng mga pew!

Ang init daw sa simbahan ayon sa kwento!

Naka- long gown pa s’yempre ang pobreng misis ko!

Sa gitna ng misa bigla s’yang napathank you

Nang may magbigay ng isang pamaypay dito! Naturalmen­te buo na naman poise nito! Sa harap ng pari’t altar donya animo! Paypay lamang nang paypay at pagpapapre­sko

Nang sa hawak na fan ay may napansin ito! Sa pagpapalam­ig dahil sa hawak nito, Nanlamig pawis bigla dahil sa nabisto Na linyang nakatatak sa pamaypay mismo —

“SYET ANG INIT!” nakasulat sa abaniko!

Maraming kulay ang buhay natin talaga, Epekto at dating sa tao’y iba-iba, Mga salitang “bastos” daw sa ilan baga At ang pagmumura ay COLORFUL sa iba!

 ??  ??
 ??  ?? (To the tune of I Saw Her Standing There by The Beatles.) When you are just seventeen Your color is green And pag Red na looks You will be ripe I swear But when very ripe na’t or over Wooo Inay sus you’re rotten dear! Ang Poet N’yo standing there with...
(To the tune of I Saw Her Standing There by The Beatles.) When you are just seventeen Your color is green And pag Red na looks You will be ripe I swear But when very ripe na’t or over Wooo Inay sus you’re rotten dear! Ang Poet N’yo standing there with...
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines