The Philippine Star

‘Lapu-Lapu Land’

- JOEY DE LEON

Ano ba talaga ang mas konti ang problema?

Ang maging mayaman o maging mahirap ka?

Pagda- DIET pinoproble­ma ng may pera,

Pero sa dukha eh wala lang sa kanila! At palagay ko rin sa mga poor and with less,

STRESS is not in their vocabulary I guess! Kung bakit I think hindi sila na-i- stress? Wala kasing executive check-up and stress test! Teka at ‘wag na nating pag-usapan ‘yan please! Isa na lang tanong ko and my question is this —

Bakit ba tunog ng WANG WANG nakaka- stress?

Totoo ba kasing Wang plus Wang plus Wang… IS TRES?!

Ngek! At dahil dito’y napansin ko na rin ba Na SIRENS and SILENCE magkatunog

but kontra! Tulad ng PANGIT at LANGIT at marami pa Ops, ano nga ba pag-uusapang maganda? Ito sana ang paksang pakikialam­an Three days ago tungkol sa ating kasaysayan,

Remember March Sixteen Fifteen Hundred Twenty-One

When The Philippine­s was discovered by Magellan! Tulad Magallanes naglayag ang isipan — Kung hindi sila naligaw sa ating pampang Hindi sana PILIPINAS ating pangalan, Kaya’y magkaka- nickname tayo ng PINAS lang!

Ngek! Kitams, ayan na naman! Tunog PINASLANG! May point pala si Lapu-Lapu makialam! Kaya lang isip-isda rin kung huhusgahan, Eh di s’ya na sana nagpangala­n sa bayan! Pwedeng “Lapu-Lapu Land” or in short, LA LA LAND!

Basta ‘wag lang ‘yung buntot ng kanyang pangalan Sapagkat mas mabantot pa kaysa PINASLANG!

La La Land na lang basta ‘wag PU PU LAND naman! Ano kaya tawag ng ating unang angkan Sa lupang hinirang na itong sinilangan Bago mga dumayo tayo’y bininyagan? May hinala ako’t malamang-lamang… MACTAN! Ano’ng malay nyo’t ano inyong katibayan Na sinabi ko ay walang katotohana­n? Eh ‘yung PHILIP nga sigurado ba kayo d’yan Na kay Felipe Segundo nga’t ‘di sa Inang? Sa Inang Reyna n’yang FELIPA rin pangalan!

Pwede ‘di ba dahil tawag nyo’y INANG BAYAN! FILIP-INA ang una nating katawagan!

PHILIPPINE­S ay tawag ng Kano sa atin ‘yan! ‘Di n’yo ba napansin? SARDINAS ay SARDINES ‘yan! Kung kaya PILIPINAS ay Philippine­s naman! Hindi sa ako ay nagpapaka- comedian, Eh d’yan tayo hinilera ng Americans! Eh kung ang dumaong kaya sa atin naman Ay sina John Cabot, Marco Polo and his gang — Vespucci, Columbus, si, certo! The Italians! Pag Pasko kaya Godfathers magtatagua­n?! He, he, he… pero Kano na naman ay tingnan, Talagang mga pangalan pinapalita­n! Si Caboto na Giovanni ay naging si John!

Cristoforo Colombo si Columbus naman! Kung ang nag- discover pala sa ating bayan Ay si Marco na kaibigan ni Kublai Khan, Aba’t waring Ralph Lauren ating magiging brand —

Pangalan natin ay POLOPINAS malamang! Well, ito lang naman ay napag-uusapan, We’ve had our chance pati nga pagsakop ng Japan! At kung feel n’yo pa to be somebody’s Motherland, TRAVEL! Sa iba’t-ibang airports magLA LA LAND!

 ??  ?? Ang Poet N’yo nang mag-La La Land sa Pulkovo Internatio­nal Airport in Saint Petersburg, Russia. Hindi kaya ako imbestigah­an ng mga Democrats?
Ang Poet N’yo nang mag-La La Land sa Pulkovo Internatio­nal Airport in Saint Petersburg, Russia. Hindi kaya ako imbestigah­an ng mga Democrats?
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines