The Philippine Star

‘Crime Scene City’

- JOEY DE LEON

Anak ng put… este, putok! ‘Di ko malaman Kung magpapataw­a ba ko’t naguguluha­n Dahil sa nangyari sa Vegas na barilan

About two weeks ago na ang nakakaraan! Biglang nagbago ang ating alam na linya — “What happens in Vegas…” sumunod naiba na — “SLAYS in Vegas!” Nakup, patay kang bata ka! Ang SIN CITY naging CRIME SCENE CITY bigla s’ya! Sino mag-aakalang lugar na masaya, At maraming magagawa at malaya ka, Ay biglang mapapalita­n ngiti at tawa Sa isang gabi ng luha at pagdurusa?! From Casino banks to BLOOD BANKS naging eksena! Dice to DIES! Mga tao binaril sa perya! Wari bang nagbalik ang Rat Pack ni Sinatra, PAK, PAK, PAK! Ang tao NIRATRAT nung bumira! Paano na ang “Viva Las Vegas!” ni Elvis? Biglang nawala BUHAY sa MABUHAY! Putris! Imbes “shoot craps” ay naging SHOOT THE CROWD na-witness! Imbes pagreRELAX nauwi sa REST IN PEACE!

Sino ba hindi matatakot at iiwas

Pag namaril na ang ganon at walang habas?

Kahit mga Roman soldiers sa Caesars Palace At LEON sa MGM tiyak kakaripas! Ang mga sisihan na’y nagkasanga­sanga! Gun control ba o ano talagang problema?

O bagahe ng nagtse-check in tsetsekin na?

O pagbawal na pagko-concert sa kalsada?!

Hayyy naku, hindi mo na malaman talaga! Ang mga killers ay wala na sa hitsura!

Wala na sa edad, matanda na’y uubra!

Kaligtasan ng tao ngayo’y tsambatsam­ba!

Buhay ngayon ay hindi ka na sigurado,

Tila ba nagsusugal ka lang sa casino,

Parang may swerte ka pa pag nasa bahay mo

Kaysa naman MALAS-Vegas ka pa pare ko! Akalain ba nating magkakagan­ito Isang lugar na naging aking paborito! Kundi ba naman more than 50 times narito! Tumira sa halos lahat hotel-casino! Subalit panahon talaga’y nagbabago, Meron dyang nagpapatiw­akal pag natalo! Ang hindi natin alam at ano’ng malay n’yo — Sa talo nandamay ito’t nasira na ulo! Sobrang linaw naman na halatang pinlano, Kumbaga sa slot machine maximum bet ito! Santambak ang armas talagang nakatodo! Nakaposisy­on at pinili pa ay kanto! Terrorist o TALO-rist ‘di na malalaman, Kung may makitang ebidensya pwera na lang, Kung ano ang motibo inyo nang tantanan, Syempre… ANG PUMATAY NG MARAMI! ‘Yun na ‘yon!

 ??  ?? One of the reasons why I love Las Vegas is because I love watching magic shows especially acts which combine comedy with magic. That’s me with Penn Jillette of Penn & Teller in 2003!
One of the reasons why I love Las Vegas is because I love watching magic shows especially acts which combine comedy with magic. That’s me with Penn Jillette of Penn & Teller in 2003!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines