‘I’m A Serial Killer’
Watching TV and movies ano kaibahan? Sa TV kapag boring maglilipat ka lang!
Sa sinehan pag harang ay tinutulugan!
Mga movies na harang? NGEK FLICKS tawag ko d’yan!
Kapag madalas lang daw na nakaupo
Ang isang tao at sa TV nakapako, Tawag dito’y “couch potato” ng mga Kano Ngek! Kung ganon sa kasong ‘yan ako’y guilty po!
Waring nagpi-FILMGRIMAGE lang po tawag ko d’yan!
Eh patatas na pala ako ‘di ko alam!
At saka ano ba ang inyong pakialam?
Eh sa ‘yun ang gusto ko at kanya-kanya ‘yan! One Season nga tapos ko nang isang upuan! 8 to 10 hours ‘yan eh sa style ko kasi ganyan! Hindi ko kasi type ‘yung nagkakabitinan, Tapos kung tapos at wala nang babalikan! First Two Seasons ng “Narcos” sa Netflix mantakin, Hindi ko tinantanan! Tapos in one sitting!
At kahit kuyukot ko ay medyo na aching,
Pag gusto pinapanood ay ‘di mo pansin!
Siguro nga’y likas sa akin o nasa genes
Ang ganyang paraan, pal-
agay at pagtingin,
‘Yun bang mga series hindi na patatagalin
Ops, not “couch potato” but SERIAL KILLER it seems! Hmmm… pwede at parang mas maganda ang dating! Once upon a time sa movies ako SERYE KING! ‘Yung “Starzan” I, II and III nga nung aking gawin, Sa loob lang nang one year ‘yung tatlo ay showing! Ang tawagin ang TV na isang “idiot box”
Sa panahon ngayon tila hindi na tumpak
Sapagkat kaalaman ko ay lumalawak
Dahil sa mga documentaries that I watch!
Ang Filipino ba ng PARTY ay alam n’yo ba?
Dahil sa telebabad ay nalaman ko s’ya!
Ano ngayon, I’m sure kayo’y nai-intriga,
Nakakatawa… ang PARTY pala ay PYESTA!
Depende kasi ‘yan sa pinapanood mo,
Wala naman talaga na nakakabobo,
Mainam na pampalipas ng oras ito
At katulong sa pagpapaantok sa iyo!
Noong araw bago pa lang ang telebisyon,
‘Di naman talaga habol ay edukasyon,
Malaking tulong ng may palabas na kahon Ay mga bata at istambay ay maipon! Sa maraming taon ko sa loob at labas Ng TV ay sari-sari aking namalas, Meron pa ngang gamit ‘yun hindi as “idiot box” Kundi pang-JUTE BOX! Gets n’yo? Pag tumama na GRASS! Grass… Damo… Cannabis… Maryjane… MARIHUANA! ‘Yung mga bato at shabu na ‘yan wala pa! Paano? Pag mga TV stations sign off na, ‘Yung mga color bars pinagtritripan nila! Well, “couch potato” or “serial killer” man kayo, O pinagtritripan n’yo lang pag nakadamo, O TV viewer lang kayo na ordinaryo, TV pa rin Number One FURNITURE sa mundo!