The Philippine Star

Ako’y ‘Patawa’ Rin!

-

Sasakit ang ulo ninyo kung iisipin Kung ano ang “HUMORIST” pag Tatagalugi­n!

PATAWA na lang kaya tulad Charlie Chaplin?

Syempre si Tito, Vic at ako “PATAWA” rin!

Ngek! Patawa rin? Parang kasalanan o SIN! If it is hindi pinagsisis­ihan namin! Humorist, comedian o PATAWA na nga rin,

Kahit na ilang buhay pa ay uulitin! LUKAYO o KOMIKO ay uubra na rin, Sa Ingles ay CLOWN, PIERROT o kaya’y HARLEQUIN! Ang ilang PATAWA na aprub sa akin — Jose, Wally, Paolo at Michael V. sa atin! Isang ganap na PATAWA sa ganang akin Ay ‘yung sa ano man ay merong mapapansin!

Pagkat mga BALA n’ya doon manggagali­ng!

‘Yun bang waring kahit tulog ay nakatingin!

Ang maging PATAWA ba ay mahirap gawin? Magmula lang sa akin yaring sasagutin — Kumbaga dapat manggaling UNDER YOUR SKIN!

But DAPAT alam rin kung kailan KAKAMUTIN!

Palagay ko lahat may PATAWA na angkin,

Iba’t-iba nga lang ang palapag ng galing — Meron ding matatawag mga mahiyain… At merong masayang — masayang gagamitin!

Ang salitang “HUMOR” sa kanyang simulain,

APAT NA KATAS ng katawan daw nanggaling

Na pumipigil sa emosyon at timpla natin —

DUGO, PLEMA at sa APDONG dilaw at itim! Ngek! Dahak at dura na nakaririma­rim?! Nung una’y sistema lang ito sa Medicine, More than 300 years pa lang, nang saliklisin,

When the word HUMOR ay sa FUNNY na gamitin!

Kung bakit? Well, ito nama’y sa ganang akin — Salitang TAWA kung ating babaliktar­in, WATA o WATER… TUBIG sa sariling atin,

O hindi ba nga’t WATER is the best medicine?! Alam kong isang ‘yun medyo kadiri rin Ngunit pinagmulan ‘wag nang pakaisipin, Ang mahalaga — “Laughter is the best medicine.”

It’s NOT THE WORD but the REWARD ating namnamin!

Ngunit sa seryong PATAWA kung tutuusin,

Dapat talaga ay meron kang KILLER INSTINCT! Lahat ng klaseng likido ay pakakatasi­n — Kung pwede sa PATAWA ikaw’y PAIHIIN! Kung konek sa katas talaga hahanapin, “Luha sa katatawa” saan ba nanggaling? Sa laki ng ambag sa inyo bang paningin, DUGO at PAWIS ginugol ni Charlie Chaplin!

Basta kung ano man s’ya at saan nanggaling,

HUMOR ay YOU MORE din kung inyong mapapansin,

Mahalaga’y if YOU have TAWA in your living

Ay MORE mo pang ang buhay mo ay e-enjoy-in!

 ??  ?? Ang ‘Patawa’ at Ang Poet N’yo kasama ang ilang ‘patawa’ ni Ang Kiukok
Ang ‘Patawa’ at Ang Poet N’yo kasama ang ilang ‘patawa’ ni Ang Kiukok
 ??  ?? JOEY DE LEON me, starzan
JOEY DE LEON me, starzan

Newspapers in English

Newspapers from Philippines