The Philippine Star

‘Hands tell the story’

- JOEY DE LEON

Nang nagdaang mga araw akalain n’yo,

Kasabayan sa Araw ni San Valentino

Ang Ash Wednesday — paglalagay abo sa noo, At Chinese New Year pa, Year of the Dog na tayo! Waring nag-eclipse din mga araw na ito,

Naturalmen­te ipagpatawa­d po ninyo, Mga okasyon nirambol ng Ang Poet N’yo — ABO-LENTINES DAY at ASO Wednesday! Joke lang ‘no! Para bang biro lang ng isang pari ito Dahil nga “Ash” sukob sa Araw ni Kupido, Ano nga raw kaya kung ilagay sa noo Imbes hugis Krus ikorte n’yang PUSO abo?!

‘Yun palang pinangtata­ndang abo sa noo,

Galing sa pinagsunug­an ng palaspas n’yo!

At Palm Sunday na susunod sa kalendaryo,

Marso Veinticinc­o patak sa taong ito!

Sa ibang lupain nag-Palm Sunday na ako,

Dun sa Nueva York at minsan sa Positano,

Simple lang mga palaspas nila pareho,

‘Di tulad sa maborloloy ng Pilipino!

Bakit PALM din ang PALAD sa palagay ninyo?

S’ymepre ang kuneksyon agad hinanapan ko!

Pag nakabukas kasi ang kamay ng tao,

Mga daliri’y dahon at tangkay ang braso!

Hindi ba nga at kapag kumakaway tayo,

Tila isang palaspas winawagayw­ay mo,

Bilang pagbati sa isang Mahal na Tao,

Ganyan nang pumasok Herusalem si Kristo!

Makahuluga­n ang PALM o PALAD sa tao, Sa dasal magkadikit o lahad man ito, Pagtanggap ng Ostiya ito sumasalo, At d’yan din dumaan mga PAKO ni Kristo!

At habang sinusulat ito ng lingkod n’yo,

Biglang may tumusok pa sa pag-iisip ko —

Dahil nga sa “PAKO” lalayo pa ba tayo,

Sa Ingles ay NAILS … ‘yan ang ating mga KUKO!

Magandang paalala ang mga kamay mo Sa paghihirap N’ya at sa Diyos ng tao, “KAMAY” nga ay nabanggit sa Last

Words ni Kristo, “Ama, sa mga KAMAY Mo hinahabili­n Ko …”

Op kors alam na ninyo ang sumunod dito,

Nabuhay S’yang muli nang sumunod na Linggo, But some Pinoys from Lunes hanggang Viernes Santo, BUHAY NA BUHAY sa Boracay at sa Baguio!

Dahil panahon na ng Kuwaresma tayo, ‘Di na naman maiwasang maalala ko Ang tungkol ba sa Station of the

Cross na kwento Ng isang lola nang minsang magsimba ako!

Nagsimula s’ya sa Katorse napansin ko, Pumuntang Trese hanggang pababa na tungo!

Sagot n’ya nang sabihin ko ang mali nito,

“Kaya pala PALAKAS NANG PALAKAS si Kristo!”

 ??  ??
 ??  ?? Oh Holey Hands! — That’s me and Timothy Schmalz’s ‘I was in prison and you visited me’ at the Basilica of Saint Paul outside the walls in Rome, Italy.
Oh Holey Hands! — That’s me and Timothy Schmalz’s ‘I was in prison and you visited me’ at the Basilica of Saint Paul outside the walls in Rome, Italy.
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines