The Philippine Star

‘My Two Bath Blogs’

-

Isang gabi sa Netflix ay napanood ko

Isang tungkol sa mga Lihim at Misteryo

At nabanggit dun na ang DEAD SEA diumano —

Taon-taon bumababa ng isang metro! Naging NGEK FLIX bigla ang pinapanood ko! Makasaysay­ang Dead Sea madededbol kuno! At ayon na nga sa mga siyentipik­o — By the year 2050 baka wala na ‘to! Oh no! ‘Yoko! Imagine naligo pa rito

Si Cleopatra, Herodes at kung sinosino! Ngunit mukhang ‘di na mapipigila­n ito Kaya ano pa ba ang hinihintay ninyo?! Ginawa bang SPA ng Reyna ng Ehipto! Nabaliw tuluyan sa tatlong letrang ito! SPA araw-araw, SPA hanggang sa dulo!

Nagpatuka sa ASP, tatlong letra ginulo!

At ‘yung MUD therapy dito nga rin nauso,

Pampaganda ng sirkulasyo­n ng dugo mo! Magaling sa kutis at mga buto-buto! Putik isa sa mahalagang elemento!

‘Yan din ang walang katapusang LIBAG ninyo!

Pagkat nga MUD MADE tayong lahat sa totoo! Tandaang sa putik nagsimula ang tao! Tandaang PUTIK AMA MO! PUTIK INA MO! ‘Wag nang magpaligoy-ligoy mga

darling ko! ‘Wag nang magpaligo-ligo kung saan kayo!

Unahin nang puntahan ang lugar na itoBago pa puro asin na lang abutan n’yo!

Tayo nang mag-swimming! Puro ka lang floating! Di ka lulubog dito kahit anong gawin! Sakit sa balat hindi kailangang kamutin!

Medyo mahapdi lang kaya ‘wag patagalin! Kakaibang karanasan mo dito’t feeling! Kumbaga you can say your experience is “humbling” …

Pagpapakum­baba ba at kung tatanungin,

He, he… LOWEST POINT kasi ito on land darling! 420 meters below sea leveling Kaya ibang level talaga iyong dating! Saka pag sumisid dumilat ‘wag subukin!

At huwag kayong makulit ditong magfishing!

Isa pang FLASHBATH nangyari isang Enero, Naalala ko na rin nang maligo ako Sa isang kakaiba rin — Iceland naman ‘to HOT and COLD kasi! Ito ba ‘yung LAGOON na BLUE!

Eh kasi HOT yung tubig… but pagahon mo… SNOW!

Pag umihip pa ang hangin lalong naloko!

Kaya HOT SHOWER na NANGINGINI­G pa ito!

Blue Lagoon in Iceland! January, two years ago! Ngunit ‘di pa mawawala ang isang ito, Dead Sea na muna’t iba mararamdam n’yo! At dahil “pakiramdam” at sa Holy Land ‘to Ay gawin n’yong isang FEEL-grimage ang trip ninyo!

 ??  ?? Starzan as Bathman at the Blue Lagoon in Iceland
Starzan as Bathman at the Blue Lagoon in Iceland
 ??  ?? JOEY DE LEON me, starzan
JOEY DE LEON me, starzan
 ??  ??
 ??  ?? And as a Superherod in Israel’s Dead Sea
And as a Superherod in Israel’s Dead Sea

Newspapers in English

Newspapers from Philippines