The Philippine Star

‘Mga Palamang Palaban!’

Betcha by gulat talagang nakakagula­t Ang mga balita na biglang sumambulat! Peace ang North and South Korea sa isang iglap! ‘Di kaya dahil sa paglaganap ng K-POP?!

- JOEY DE LEON

Tila konek sa showbiz mga news kumbaga

Tulad 35 years nang binawal ba nila Ang mga movie theaters sa Saudi Arabia,

Aba at biglang pinayagan uli sila! Aba, aba talaga sapagkat ang ABBA, After 35 years din may bago nang plaka! Sina Benny at Bjorn, Ann-Frid and Agnetha, Nag-recording muli! OMG! Mamma Mia! O ano ngayon meron pa ba d’yang kokontra? Mukhang “entertainm­ent” ang common sa kanila! Si Father Larry Faraon lang ang naiba — 35 years din… kaya lang PAGKAPARI n’ya!

Gayunpaman Congratula­tions sa’ting lahat! Mahalaga’y kapayapaan malalasap! Halimuyak pagkakaisa malalangha­p! Mas mainam kung walang tinik ang bulaklak! Dahil bulaklak usapan natin napunta, May chicharon este, may chika ako pala! Sapagkat sa Japan muli kaming nagpunta

Upang masilayan ang magandang WISTERIA! SAKURA nagpasasa nung huling bisita,

Cherry Blossoms noon mga nakabuka, Ngayon ay wisteria na animo’y kurtina, Pagpasok ng Mayo lumipad sa Fukuoka! Dati’y naglalakba­y lang sa ibang lupain Upang makita pamoso nilang tanawin, O maranasan panahong wala sa atin, O sa isang tradisyon dun makilahok din!

Kung bakit naglalakba­y marami nang sagot —

May paghahanap-buhay, nais makalimot,

Meron din namang sa masama ay nasangkot!

Minsan dahil sa makukulay na talulot! Hokkaido noon pagbuka ng LAVANDULA,

Maraming ulit na ring nag-HANAMI mata!

Ang viaje naman ngayon ay para wisteria, ‘Saktong Araw ng pagpa-PAWIS pa istorya! Eh May One, Labor Day kasi nang mag-Fukuoka, Kasabay din Feast of Saint Joseph The Worker pa! At sa first week of May sa Japan pa nga pala Ay HAKATA DONTAKU, Golden Week pa nila! At para ano pang ako ay binabasa Kung ‘di ibabahagi bago kong nakita, Alam n’yo naman hilig ko sa mantequill­a,

Mantakin n’yo may na-discover akong iba!

Syempre ang butter na una sa aking lista

Ay ‘yung mula’t galing sa Francia at Italia!

‘Yung sa Hokkaido HOKAY din ang kanyang lasa, But my new find… R & B! RAISIN & BUTTER s’ya!

‘Yung brand ‘wag na’t baka ako’y unahan n’yo pa!

Magtanong o i-google n’yo na lamang basta!

‘Yung isa’y nung araw para ko nang nakita —

Siopao palaman PANSIT! PAOSIT? Ngek! SIOPASTA?!

 ??  ??
 ??  ?? WISTER AND WISHES este, Mr. & Mrs. de Leon while having Wisteria Hysteria in Fukuoka!
WISTER AND WISHES este, Mr. & Mrs. de Leon while having Wisteria Hysteria in Fukuoka!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines