The Philippine Star

‘Biyahe, He, He, He!’

- JOEY DE LEON

Sa paulit-ulit na ginagawa daily, Ano gamot nang ‘di nagiging ordinary? TRAVEL! Traverse a Routine and Add Variety To Everyday Life! ‘Yan nama’y according to me!

Pagkat sa viaje rin may mga pangyayari Na kapupuluta­n mo rin ng hilarity! Malimit ng problema sa pag-iintindi Dahil pagkakaiba sa mga lengwahe!

Tulad minsan nang Eat Bulaga ay bumyahe, Sa Hongkong lang naman para break lang ay quickie! Minsan nang kami ni Eileen ay namimili, He, he, he… narito ang buong pangyayari…

May binebentan­g mga T-shirts sa UNIQLO

Na tungkol sa sining na may pagkamoder­no,

Tulad kay Warhol, Haring at kung sino-sino, Si Jean-Michel Basquiat ang aking paborito! Siya’y isang pintor sa mga kanto-kanto, Pero sa NUYOK sa East Village at sa SoHo! ‘Yun bang graffiti art but nagdra

drugs din ito Kaya ayun, from museo to musoleo! Ngunit type ko lang naman ay ‘yung

T-shirt nito At ‘di naman gaano sa kanyang trabaho, Kumbaga sa katagalan ng paghanap ko Nung T-shirt na mailap naging obsessed ako!

Kahit saan pang bansa na merong UNIQLO,

Itong T-shirt ni Basquiat ang hinahanap ko!

Maraming taon na ring no luck Ang Poet N’yo, Hanggang nung May 21 nasa Hongkong ako! Nang makita UNIQLO na maraming bago, Nilapitan agad isang saleslady dito, “Do you now have a Basquiat?” ‘yun agad tanong ko, Ngumiti ang local girl at agad tumakbo!

Naturalmen­te excited ang lingkod ninyo,

Dahil reaksyon ng babae’y positibo! akoAt sa wakas magkaka-Basquiat na rin Ngek! Pagbalik ng girl may dalang

BASKET ito! Op kors hindi naman uminit aking ulo, Bagkus sa nangyari nangiti pa nga ako, ‘Yang mga ganyan tinuturing ngang regalo,

Dagdag-aliw at halakhak sa mga kwento! Subalit alam n’yo bang ang brand na “UNIQLO”

Galing sa “Unique Clothing” or in short UNI-CLO?

Ngunit nung tinatrabah­o na ang rehistro,

Nagkagulo-gulo! Nabasa ang C na Q!

Wow, Mali! But business lalong naging WOW naman!

Talagang swertehan din ang pagpapanga­lan! May ‘di akalain at sinasadya minsan, Tulad “EAT” sa BULAGA… aking natsambaha­n!

 ??  ?? Dalawa lagi ang importante pag ang Dabarkads ay nasa biyahe — ang kumain… at maghanap ng makakainan! Standing, from left: Wally, Alden, Sheila, Anjo, Jeny, Jimmy, Lord, Helen, Grace, Josie and Florie; (seated, from left) Malou, Poochie, Allan, Pauleen,...
Dalawa lagi ang importante pag ang Dabarkads ay nasa biyahe — ang kumain… at maghanap ng makakainan! Standing, from left: Wally, Alden, Sheila, Anjo, Jeny, Jimmy, Lord, Helen, Grace, Josie and Florie; (seated, from left) Malou, Poochie, Allan, Pauleen,...
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines