The Philippine Star

‘Nur-sorry Rhymes’

- JOEY DE LEON

Sa salitang EntertAinm­enT napansin n’yo ba Na E-A-T simula, gitna at huli n’ya? At ipinagkaka­puri rin bang makita — Sa salitang “GREAT” sila tatlong huling letra! Op kors tinutumbok ay ‘yung “EAT” ng BULAGA! At Ang Poet N’yo nakaisip at gumawa! Eh kasi nga lunch ‘yung show kaya tungkol chi-cha! Kasalanan ko ganon kaya show humaba?! Malamang may mag-react dyan dala ng inggit At sasabihin na namang baliktad ng EAT Ay… alam n’yo na, of course we know noon pang…SHIT!

Kaya nga swerte because JACKPOT is what we get! “Naka-jackpot” kasi tawag kung sa kalye ba Nang naglalakad ay biglang NAKATAPAK ka Ng dumi ng hayop — aso man o yokaba! At ikaw daw ay LUCKY…Ang LUCKY mong TANGA! Mga ito lang naman ay pinapakita — Na sa lucky letters and words ay kanya-kanya! At kahit man may ‘di kagandahan sa basa, May mahahanap pa ring kaliga-ligaya! Ang talagang mahirap na maunawaan — Ilang nursery rhymes na ating natutunan, Akalaing pambata at kinalakiha­n, Ngunit pagdating sa dulo’y kapahamaka­n! Halimbawa’y “Jack and Jill” sa hill nagpanhika­n Upang kumuha ng panligo o pangmamam, Nahulog si Jack! Biyak ang bungo lang naman! At ito naman si Jill si Jack ay sinundan! Ito namang “Humpty-Dumpty” na isang itlog, Naupo sa wall kaya ayun at nahulog! Sa lakas ng kalabog lahat nabulabog! Nabasag ang pula at nagkadurog-durog! “Rock a Bye Baby” siguro’y alam n’yo naman, Sa puno’y nakaduyan inaalagaan, Uugoy daw ang sanggol kapag nahanginan Pero ano na pag nabali sinabitan?! “When the bough breaks the cradle will fall! Ano ba ‘yan? “And down will come baby, cradle and all!” lang naman! Bakit nga ba tungkol PAGBAGSAK karamihan? Tingnan n’yo na lamang “London Bridge is Falling Down!” Si “Little Miss Muffet” naman sat on a tuffet, Kaya halos nasa sahig na ang kanyang pwet! Dumating isang spider naupo’t dumikit! At sumemplang sa takot itong si Miss Muffet! “Ring-a-ring o’ roses” nakupo’t isa pa ‘yan, Trahedya rin ang ending sapagkat WE ALL FALL DOWN! Ayon sa iba tungkol sa Great Plague of London Ngek! Ano ba ‘yan? Down sa epidemya naman!

And of course “Three Blind Mice” ayu’t may kapansanan! Naruon pang buntot sila ay pinutulan! Ngek! Bakit nga ba mga nursery rhymes ganyan? Waring oks lang eh ‘yung “Mary Had a Little Lamb!” Ops, subalit huwag kayong kasisiguro, “Mary had a little lamb its fleece was white as snow, Everywhere that Mary went the lamb was sure to go!” TO GO? Parang TAKE OUT FOOD? Ngek! Back to EAT tayo! Wala na pala tayong dapat ipagtaka Kung bakit nursery rhymes maraming disgrasya! Eh may NURSE nga hindi ba ninyo nakikita? At A RHYME eh tunog ARAY naman hindi ba?!

 ??  ?? THE ORIGINALS (from left): Malou Choa-Fagar, Ang Poet N’yo, Tito Sotto, Tony Tuviera, Vic Sotto and Bert de Leon. Here’s a 40th anniversar­y NGEKSORRY RHYME by Ang Poet N’yo tothe tune of Jack and Jill: ANG TAGAL NG EAT DAHIL TO US WHAT REALLY MATTER EVERYDAY WE JUST HOLD ON, GIVE LOVE, HAVE FUN AND LAUGHTER! BULA LA LA LA LA LA GA! BULA LA LA LA LA LA GA! BULA LA LA LA LA LA GA! THEY ALL COME TUMBLING AFTER!
THE ORIGINALS (from left): Malou Choa-Fagar, Ang Poet N’yo, Tito Sotto, Tony Tuviera, Vic Sotto and Bert de Leon. Here’s a 40th anniversar­y NGEKSORRY RHYME by Ang Poet N’yo tothe tune of Jack and Jill: ANG TAGAL NG EAT DAHIL TO US WHAT REALLY MATTER EVERYDAY WE JUST HOLD ON, GIVE LOVE, HAVE FUN AND LAUGHTER! BULA LA LA LA LA LA GA! BULA LA LA LA LA LA GA! BULA LA LA LA LA LA GA! THEY ALL COME TUMBLING AFTER!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines