The Philippine Star

Me, Starzan ‘Wow Mali Na Naman!’

- JOEY DE LEON

Nung Sunday na column ko kung inyong nabasa, ‘Yung tungkol sa “Wow Mali moment” ko kumbaga, Aba’t alam n’yo bang sinundan pa ng isa?

At tungkol names na naman ang aking aberya! Korek! Parang ‘yung sa “Elizabeth

case” din s’ya! Kaya lang mas nakakahiya itong isa! At upang safe tunay na katauhan nila,

Babanggiti­n nating mga pangala’y iba!

Ako’y sa isang birthday party naimbita, At habang nagdadatin­gan mga bisita, Nakakatuwa­ng mga dati mong kasama,

After a long time ay muli mong makikita!

Nang biglang may pumasok na mga bisita, Isa sa matagal na naming nakasama, Una ang lalaki’t kasunod ang asawa Na kakilala rin ng misis ko nga pala!

At dahil sa excitement ko na sobra-sobra Ay pasigaw kong tinawag my dear esposa,

“Mommy! Mommy! Look who’s here! Narito si Edna!” At si Vic halos maiyak sa katatawa!

Eh pa’no naman ipinagsiga­wan ko pa Ang pagdating ni Henry at kanyang asawa! Ang lakas pa ng boses, “NARITO SI EDNA!”

Edna ang pangalan nung EX-WIFE n’ya nga pala!

Ngek! Ang kasama nung gabi ay si Rosenda! S’ya ang asawa nung Henry na pangalawa! At ‘yung pangalang isinigaw ko nga pala,

35 years nang hiwalay… duon kay Edna!

Ngek! Ang magagawa ko ay ano pa nga ba? Narun na yu’t kung may magagawang maganda — MALAYO PA ANG NAAABOT NG PAG-ALALA!

At least sa memory ay wala pang problema!

Kaya pagtawag sa pangalan mag-ingat ka! Lalo pag tinawag mo ang iyong asawa! Kaya para ligtas may paraan d’yang isa — Tawagin mong “SWEETHEART” o “DARLING” lahat sila!

At maalala ko may sablay pa ‘kong isa! Ito nama’y kasalanan ng aking tenga! Minsan sa studio naghihinta­y ng programa,

While the female hosts may tsismisan mga bruha!

Nagsusulat muna sa aking pag-iisa, Medyo may distansya naman mga tsismosa, Ngunit pinag-uusapan dinig ko rin ba, Kunwari na lang ‘di ko sila alintana!

Sagap kong nag-night market sa Hong Kong si Lala, S’ya ang anak ni Tito at Helen Gamboa, Sagap ko ring may isang matandang tindera Na KINALMOT s’ya dahil nagalit sa kanya!

Ngek! At sagap ko ring nagdugo ang braso n’ya! At nakarating reklamo hanggang pulisya! Ngunit diumano hindi na tinuloy pa Sapagkat ang pamilya nuo’y pauwi na!

At dahil tsismoso nga rin ako talaga, Tinawagan ko agad ang aking asawa! Nung next day nalaman ko tunay na istorya — Kinalmot HINDI si Lala kundi… ang YAYA!

Ngek! Mahirap talaga pag tumatanda na, Problema sa bibig… sa tenga… pati MATA! Nung National Heroes Day nang text nagbabasa,

National HERPES Day ang aking nakikita!

 ??  ??
 ??  ?? Wow MaliGayang Birthday Na Naman To Our Sen-Eat President!
Wow MaliGayang Birthday Na Naman To Our Sen-Eat President!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines