The Philippine Star

‘Nag-Camino Kami ’No!’

- JOEY DE LEON

Alam n’yo na ngayon na salitang comedian Isinalin ko’t iba pang tawag binigyan — PATAWA… at ‘yay nabanggit na rito minsan, At ‘yan din ako… ako’y PATAWA rin naman!

At sa sulok na ito lagi akong ganyan — Sa pagiging patawa ay nakasanaya­n, Ngunit ngayon patawarin n’yo akong minsan, Maging isang patawa muna’y iiwasan!

Nais ko kasing ilathala kasaysayan Ng Camino de Santiago na karanasan, At mga sundot ‘di na muna lalagyan, Baka ‘di patawarin mga dinasalan!

Hinandog ko ang alay-lakad na naturan Sa mga mahal ko at sa palatuntun­an —

Eat Bulaga sa mahabang pinagdaana­n, Pagpapasal­amat na walang katapusan!

Dapat marahil nun pa ito ginampanan, Nung wala pang sumasakit sa aking bewang! Kaya mga dasal pa ngayo’y naragdagan —

“Saint James, buto ko ‘wag sanang maglagutuk­an!

Marami na ‘kong pilgrimage na nasalihan, Camino de Santiago ay puro lakaran! Pababa, pataas, umaraw at umulan! PILGRIM AGE ko naman ngayo’y PANGSIMBA na lang!

Ngek! Lo ciento at promise ko ri’y nabalian!

Ang maging patawa ‘di na rin naiwasan! Pa’no naman trekking shoes ko nga ay Salomon, Sa loob ng backpack puro Salonpas naman!

Well, kahit paano ay nakayanan naman, Eh paano sa exercise kasi ay kulang! Everyday sa Eat Bulaga ang exercise lang —

Isang panhik at isang baba lang sa hagdan! Subalit sa seryong bahagi ng usapan,

Sa “lakad” na ito’y maraming natutunan — Tungkol sa iyong sarili at kakayanan; Kausapin ang sarili nang sarilinan!

May mga panahon kasi at kahabaan, Mag-isa ka lang… naiwan o nagpaiwan, Sa iba’t-ibang kundisyon ng daraanan, Mag-isa ka ring sarili’y aalagaan!

Marami kang magiging bagong kaibigan Na magsisimul­a sa pamosong batian, “Hola!” o “Buen Camino!” pag nakasabaya­n,

Minsan napupunta sa mahabang kwentuhan!

Sa susunod na Linggo ay matutungha­yan Ilan pang kwento tulad sa backpack na pasan Ng isang peregrino at mga nilabhan, Pinapatuyo sa likod n’yang may sampayan!

Nilakad nami’y sa loob ng Espanya lang, Sa ibang nakausap kami’y nagulantan­g! Sa Paris pa paglakad nila sinimulan! Hindi lang arawan kundi maraming buwan!

 ??  ??
 ??  ?? CAMINO DE SANTIAGO SELPEREGRI­NO, OCT. 29 — Joey and Eileen de Leon, Carmel and Beth Saldana, Danny and Tessie Moran, Alex and Barbara Abela, Joy Schallenbe­rg, Ato and Jojie Yap, Lilit and Abby Tumbocon, Willy and Jean Decena, Morris and Liz Agoncillo, Raul and Rizza Almendral, Tito and Stella Manalo, Levy and Roxanne Espiritu, Norman and Minnie Macasaet and Father Reynold Oliveros.
CAMINO DE SANTIAGO SELPEREGRI­NO, OCT. 29 — Joey and Eileen de Leon, Carmel and Beth Saldana, Danny and Tessie Moran, Alex and Barbara Abela, Joy Schallenbe­rg, Ato and Jojie Yap, Lilit and Abby Tumbocon, Willy and Jean Decena, Morris and Liz Agoncillo, Raul and Rizza Almendral, Tito and Stella Manalo, Levy and Roxanne Espiritu, Norman and Minnie Macasaet and Father Reynold Oliveros.
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines