The Philippine Star

‘Jeep Bulaga!’

- JOEY DE LEON

Noong December 5 pagbabasba­s ginawa Sa bagong studio ng Dabarkads sa Cainta! Patapos nang sasabihin na dito na nga Tahanan ng Eat Bulaga hanggang magsawa! Pansining “tahanan” ginamit kong salita Sapagkat sa “bahay” higit itong dakila! ‘Yay ayon sa paring nung blessing nagsalita — Father Jeff Quintela sa misa nangasiwa! A house is not a home daw kung walang God! TAMA!

Kaya ‘di kami RED HOUSE kung inaakala!

Dahil PULANG-PULA gusali ng Bulaga!

Kami ay isang RED HOME … and your DAILY RED nga!

Nung una kong mapasok ako ay namangha Sa ganda at laking hindi ko inakala! ‘Yun bang kahit pa piliting magpakumba­ba,

Ang magmalaki hindi mo maitatatwa! Sa mga nilalaman kayo’y matutuwa, Lalo sa lingkod n’yong kulang na la’y maluha! Sa ilang mga sulok ay mananariwa Dinaanan namin na mga kabanata! Bagong tahana’y pagpapala’t gantimpala Sa APAT NA DEKADANG aming ipinunla! Wari ko ba sa sinusulat ngayong paksa, Kulang pa ang isang libo at isang tula! Nang sa palapag ng mga writers gumala, Saglit ba akong hindi nakapagsal­ita Nang unti-unti’t halos ‘di ko nahalata — TVJ… ang naglalakih­an naming mukha! At sa taong sa lahat ay nagpasimul­a — Tony Tuviera, nagbunga iyong pakana! Here’s something I wrote dahil sa sipag mo’t tyaga — To the tune of the theme music of Eat Bulaga! Mula sa Q.C. hanggang Cainta ’Yun na binyahe ng Eat Bulaga Walang preno saya’t tuwa Walang gusto na bumaba Sa trip natin kahit ma-trapik pa Mararating kahit sa’n ang punta Sakay na po’t lalakad na Ang jeep ninyo... Jeep Bulaga! Sina Tito, Vic at Joey Sweet drivers n’yo parati Kayong lahat at libre sakay Sa jeep na puno ng kulay! Sa trip natin kahit ma-trapik pa Mararating kahit sa’n ang punta Sakay na po’t lalakad na Ang jeep ninyo... Jeep Bulaga! (CODA) Sakay na po’t lalakad na Ang jeep ninyo... Jeep Bulaga!

 ??  ?? Picture muna bago prayers — Dec. 8, the feast of Immaculate Conception of Mary, when Eat Bulaga aired for the first time from the APT Studios in Cainta. Our president and CEO, Antonio P. Tuviera (APT) ay ayun atsumisili­p sa likod ni Senate Pres. Tito Sotto! Let’s eat! CAIN-TAyo!
Picture muna bago prayers — Dec. 8, the feast of Immaculate Conception of Mary, when Eat Bulaga aired for the first time from the APT Studios in Cainta. Our president and CEO, Antonio P. Tuviera (APT) ay ayun atsumisili­p sa likod ni Senate Pres. Tito Sotto! Let’s eat! CAIN-TAyo!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines