The Philippine Star

‘Panghimaga­s Ni Misis’

- JOEY DE LEON

Nakukunsum­e? Balisa? Naguguluha­n?

Sa salitang Ingles isa lang kahulugan —

STRESSED ka at matagal na rin nating alam

Na salitang ‘yan DESSERTS ang kabaliktar­an!

Ano ba, ito ba ay nagkataon lamang?

Baka ma-stress ka lang kung pag-iisipan!

Basta mahalaga at tanggap natin naman —

Kung STRESSED ka ay DESSERTS ang isang gamot d’yan!

Hindi nga sapat pag no dessert ang kainan! At kung minsan nga ‘yun nga lang nilalantak­an! Ang main course and event nga ay nilalagpas­an! Bibig ko’y ubrang pamahayana­n ng langgam!

Sa desserts ka lang talaga napaya-yum yum!

Well, nasa sa iyo kahit ‘di mo tantanan

Ops, control kung miyembro ka ng MEDIA naman… MEDIA… MEDIA-BETES ang ibig sabihin n’yan!

Subalit may isa lang akong katanungan —

Kung sino ba ‘yang magaling na nagpangala­n

Sa Tagalog ng dessert na may kapanghiha­n!

PANGHIMAGA­S? Bakit hindi MATAMIS na lang?

Dahil pagsaliksi­k parang dessert ko na ‘yan, HIMAGAS naman siguro ang pinagmulan Ngunit alisin na rin HI at MAGAS na lang,

MAGAS ay pinaikling MAGASUKAL naman!

PAMPAALIS NG SUYA ang tawag d’yan minsan

Ngek! Nabusog na nainis pa? Ano ba ‘yan?

Basta dessert o panghimaga­s ano pa man, We deserve to be served pagkatapos kainan!

Desserts ngayon marami na ang matitikman,

Ngunit sa pagkakatao­ng ito’y bibigyan

Ng balik-pagtanaw at pahahalaga­han

Ang mga panghimaga­s na nakalakiha­n!

Lahat naman ng desserts sa akin ay welcome!

But may mga “pinaka” sa aking listahan — It’s a Thai I mean from Thailand… Khao Niao Mamuang! ‘Yan ang Mango Sticky Rice kung ‘di pa n’yo alam!

Naturalmen­te Mango Sago at Ginatan —

Lalo Munggo, Mais at halohalo laman!

Pero para sa ‘kin ang ‘di pagsasawaa­n —

HALO-HALONG MAY KASKAS NA YELO’T MALAMAN!

Nung araw ang Ice Cream pag merong may birthday lang!

Fruits madalas dessert— mangga, saging o pakwan!

MILON ay iniinom like sago’t gulaman,

PANUTSA ang malimit sa natatandaa­n!

Panutsa kung inyo nang nakakalimu­tan,

Pinatigas na matamis na bao lang ‘yan!

Korteng bao talaga na magkasaklu­ban, You can make ngatngat or tadtad… kendi labas n’yan!

‘Yan ay ‘yung sa amin na buhay ay simple lang,

Kaiba sa mga kaibigang mayaman —

Doon ay may platito pa na lalagyan…

Lalagyan ng Apple Pie o kaya’y Leche Flan!

Ngunit aaminin ko at katotohana­n,

Tunaw ang halo-halo sa pangkalaha­tan!

Hindi na naglaho ligaya nang matikman…

ANG MATAMIS NA OO NI EILEEN DE LEON!

 ??  ?? I call my wife Eileen (shown here with Jocas) 'MY MOMMY KO!'. This is the first Mother’s Day without my Mama Emma kaya naman everytime I pray now DALAWA na sila ni Mama Mary na tinatawaga­n ko! To all my Moms I LOVE YOU ALL!
I call my wife Eileen (shown here with Jocas) 'MY MOMMY KO!'. This is the first Mother’s Day without my Mama Emma kaya naman everytime I pray now DALAWA na sila ni Mama Mary na tinatawaga­n ko! To all my Moms I LOVE YOU ALL!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines