The Philippine Star

‘M*A*S*H’ (Mga Asar Sa History)

- JOEY DE LEON

Last Father’s Day tumanggap ako ng regalo — Isang libro mula sa bunso kong si Jio — Tungkol sa “BAD DAYS” sa kasaysayan ng tao!

Binabasa ko pa at nag-e-enjoy ako!

At dahil dito naaalala ba ninyo Kasabihang “may pakpak ang balita” kuno?

Swak! May PALPAK ang balita at ‘yun ang libro! In English, may FAKE-FAKE pero ito’y totoo!

Kaya ilan dito ay ibabahagi ko, Sa dami nito siguradong merong Part Two! Pipiliin ko syempre ‘yung natawa ako! Itutula pa ang pwede namang ikwento!

Vatican, May 21, Nineteen SeventyTwo, Ang “PIETA” na nililok ni Michelange­lo May isang sira ulong nagngangal­ang Laszlo Ang rebulto ay biglang pinagmamar­tilyo!

Habang binabasag n’ya naturang rebulto

Ay humihiyaw pang s’ya raw si Hesukristr­o!

Tanging obra ni Michelange­lo’ng pirmado,

Maraming pingas at basag kanyang tinamo!

Subalit hindi raw ito ang unang kaso Na may asar sa gawa ni Michelange­lo, May pangyayari na rin five centuries ago! Assistant pa ng Papa ang kanyang kritiko!

Biagio da Cesena ang pangalan nito, Sa trabaho ng pintor nandidiri ito! Ang The Last Judgment by Michelange­lo kuno Ay marami ang nakahubo’t hubad dito!

Sa likod ng altar ng Sistine Chapel ito, Sa galit sa kritiko ni Michelange­lo, Ginaya at ipininta mukha ni Biagio Na hukom o judge sa underworld o impyerno!

Nilagyan pa ito ng tenga ng buriko! Kagat-kagat pa ng ahas ang ari nito! Kaya lalong nag-init itong si Biagio! Pakiusap sa Papa tanggalin sa fresco!

Kay Pope Paul The Third ito’y naghuramen­tado!

Ang mahinahong sagot lang ni Papa Pablo,

“Kapangyari­han ko lang hanggang Batikano

At wala akong hurisdiksy­on sa impyerno!”

 ??  ??
 ??  ?? Ang Poet N’yo and Eileen in 1992, twenty years after a mentally disturbed geologist vandalized and damaged The Pieta with a hammer. By now it is protected by a bulletproo­f acrylic glass panel.
Ang Poet N’yo and Eileen in 1992, twenty years after a mentally disturbed geologist vandalized and damaged The Pieta with a hammer. By now it is protected by a bulletproo­f acrylic glass panel.
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines