The Philippine Star

‘It’s Not Fun After Eating In The Philippine­s?’

- JOEY DE LEON

Ops sandali ako muna ay magwa-warning — No reaction first sa title ng babasahin!

‘Wag muna kayong magpauna’t magmagalin­g,

Sinulat na ito importante­ng tapusin! Naisip ko lang na bago tayo sakupin Ng mga Hapon tayo’y nagsu-sushi na rin! Sa pagkakamay natin simula’t nanggaling So let me explain kung inyong mamarapati­n! Pag limang daliri natin na ay nag-bonding At magpabilog na ng malagkit na kanin Kasama kung ano man inuulam natin At sabay subo o hindi ba sushi na rin?! Sandali at masusi nating siyasatin, May hinala akong ang “sushi” ay nanggaling Sa tatlong salita na our real way of eating — SU-S-HI … SUBO SABAY HIMOD fingers natin!

Sa dami na ng lahing dumayo sa atin

Ay marami na rin tayong ubrang angkinin Pagkat marami rito’y minana na natin — Mabuti ma’t masama we embrace everything! Kaya una pa nga tayo kung tutuusin Pagkat nun pa man ganyan na paraan natin — Sa isang subong kinamay pagsasamah­in Isda man o gulay o asin lang sa kanin!

At Matalinong ‘yan naman Hapon talaga ‘di gawi natin sa akalain, pagkain, Binigyan Na “makabagong ng pangalan imbensyon” at pinalabas ang sushi din man din! Ayun Paghahanda at sumikat pa nito’y sa kanila nilagyan taginting! ng sining! Kumbaga isusubo mo ay ihahain!

One piece, one mouthful at hindi pwedeng hatiin! Ngayon pa ba mga ninuno sisisihin? At sa negosyo ba hindi tayo magaling? rinWell, huli na ang lahat at saka how true

Na ang alam lang daw kasi natin … KUMAIN! Buti’t nasali pa sa negosyong rice topping

Na waring sa KAMAMESHI rin daw nanggaling … Na kuha na naman sa pagkakamay natin? O ‘di ba pag nag-KAMAY MESSY sa paningin?! Ngek! ‘Yung isang yun inyo na lang palusutin But I think lahat ito galing Chinese cuisine! Intsik naman talaga ang unang nagtanim Ng bigas at d’yan nga nanggaling ang TSINA-ing!

Ngek na naman! At syempre kamay dadamputin,

Kung nais mag-chopsticks nasa sa iyo na rin!

Sa panulak meron lang dapat na inumin —

Sake, tsaa at tubig lang! Bawal ang softdrink! Ako naman sa sushi ay may peborit din — Type ko’y Japanese-Peruvian o NIKKEI cuisine! Basta nigiri sushi o yung naka-topping At halos hindi mo na makita ‘yung kanin!

Parehong may itlog ang gusto kong kainin —

FOIE GRAS with TOBIKO or flying fish roe darling!

At WAGYU at gusto ko medyo susunugin!

‘WAG YOU kalimutan ang quail’s egg na ka-tandem! Kaya pauso tayo’t simulan na natin, Kanila na sushi basta KAMAY sa atin! Basta lahat ng isubo ay kakamayin At lahat manggagali­ng sa dahon ng saging! ‘Di tayo maghuhugas ng kamay sa ending! At sa buong daigdig ating pakalatin Ang pausong ya’t tiyak nilang sasabihin — IT’S FUN EATING BUT DON’T SHAKE HANDS IN THE PHILIPPINE­S!

 ??  ??
 ??  ?? Ang Poet N’yo with Jiro Ono’s son Takashi at the Sukiyabash­i Jiro Roppongi Hills. Basta the word ‘sushi’ para sa akin comes from SUBO SABAY HIMOD!
Ang Poet N’yo with Jiro Ono’s son Takashi at the Sukiyabash­i Jiro Roppongi Hills. Basta the word ‘sushi’ para sa akin comes from SUBO SABAY HIMOD!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines