The Philippine Star

‘Tulog-Vision’

- me, starzan JOEY DE LEON

Nabanggit na sa isa sa sinulat kong kanta

Ang kahiwagaan ng panaginip kumbaga,

At noong Seventies sa Metropop nilahok s’ya At kauna-unahang RAP Award nakuha pa!

Totoo namang panaginip lang makikita

Hindi makita pag gising at dilat ang mata!

At kahit na nga sinong mga seksi’t maganda,

Sa panaginip possible mong maroromans­a!

Mahalaga rin na banggitin ko muli rito

Na awitin sa Metropop na ipinanalo

Ay “Longganisa­ng Maong, Dagang Denims” titulo

At ang buong kanta ay NAPANAGINI­PAN ko! No balls! I mean walang bola! Ito ay totoo! Kasabihan nga — And the rest is… alam na ninyo! Basta parang naging antinganti­ng ko na ito! Lucky song? Pwede… Anthem — anthem ng Ang Poet N’yo!

Hindi na nawala MAONG at DENIMS sa uso!

Nagkaroon na ng Iskul Bukol at Wanbol U! And like Longganisa ay naging LONG ANG ISANG SHOW!

Nabuo DA GANG… Dabarkads tawag namin dito!

Akalaing kanta na panaginip ang topic

Na habang nahihimbin­g sa isip ko’y gumimik!

Mitsa nga kaya ng pinapangar­ap naming EAT?

Mabuti’t ‘di ako tutulog-tulog sa idlip!

Sasabihin ng iba nagkataon lang ito

At naisipan ko lang purihin sarili ko;

‘Yun bang tila sinosolo ko lang ang kredito

Hmmm… kaya narito pagpapatul­oy ng kwento!

Para mailarawan na lahat konektado —

Nakikitulo­g ako noon sa isang kwarto

Nang panaginip nagkonsyer­to sa aking ulo!

Ang silid ay nasa tahanan ng mga SOTTO! Well, marahil ang pinakasala­min na rito

Sa mga pangyayari sa buhay naming tatlo —

Ang APAT NA DEKADA… at ARAW-ARAW ‘to ‘no!

Waring sa isang panaginip lang ba totoo!

Pagpalagay na lang ‘di pa kami nagigising

Sandali la’t palalim na tayo nang palalim!

Sana lang ay lumalim pa ang sarap ng himbing

Hanggang panaginip maipaliwan­ag natin!

Sa panaginip meron akong isang teyorya —

Kung bakit minsan napakagulo n’ya talaga!

Dahil ito ay namamasyal at sumasama;

Nakikihalu­bilo TULOG-VISION na iba!

O ayan ha, may bagong salita na akong gift

Para sa darating na anniversar­y ng EAT! Malay n’yo someday sa dictionary maisingit — TULOG-VISION o TULOGBISYO­N ang PANAGINIP!

At hindi kayo nananagini­p s’yanga pala

Kapag ang bagong istudyo namin ay nakita —

Ang APT Studios ay talagang kitang-kita!

Kung hindi ba naman kulay nito’y PULANG-PULA!

Bakit daw kulay ng gusali namin ay pula?

Sapagkat ang iba pang salitang makukuha

Sa “PULA” ay ULAP at LUPA o hindi nga ba?

Kumpleto na s’yang may LANGIT at LUPA kumbaga!

O eh ano ngayon sa palabas namin halaga?

Ang paliwanag ba ay kinakailan­gan pa?

Ang layunin lang namin ay magkasama-sama Mga nasa itaas at ang mababang masa!

Sa Martes, July 30, kumpleto na talaga

Ang Eat Bulaga sa kanyang APAT NA DEKADA!

Ano sa tingin n’yo dapat bang magretiro na? Eh wala ngang DAY OFF sa retirement ang problema!

 ??  ??
 ?? — Joey de Leon ?? ‘Sa panaginip mo lang makikita ang hindi makita pag gising tulad ng LONGGANISA­NG MAONG at DAGANG DENIMS!’
— Joey de Leon ‘Sa panaginip mo lang makikita ang hindi makita pag gising tulad ng LONGGANISA­NG MAONG at DAGANG DENIMS!’
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines